Yasmien Kurdi, naligaw sa taping noon ng teleserye nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2022
yasmien bea party
Yasmien Kurdi, nakatrabaho ang sinasabing kamukha niyang si Bea Alonzo sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Start-Up.
PHOTO/S: Noel Orsal / @yasmien_kurdi on Instagram

May "wow mali" experience si Yasmien Kurdi sa taping ng Bakekang ng GMA-7 sa Baseco Compound sa Port Area, Manila noong 2006.

Ito ang natatawang ikinuwento niya sa grand media conference ng ng Start-Up PH na idinaos sa Cinema 2 ng Robinson’s Galleria nitong Sabado ng gabi. September 17, 2022.

Walang kamalay-malay si Yasmien na may taping din noon sa Baseco Compound ang Maging Sino Ka Man, ang primetime drama series ng ABS-CBN na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kaya nangyari ang hindi inaasahan — nagkamali siya ng set na pinuntahan.

"There’s a shooting sa Baseco Compound tapos meron silang set doon ng parang soap nila ni John Lloyd.

“Nagsu-shoot din kami doon ng Bakekang. Akala ko, GMA-7 lang nagte-taping.

"So, pumasok na ako sa loob ng tent. Nag-set up na ako, lahat-lahat. Inilagay ko na yung higaan ko, natulog na ako.

"Tapos biglang nilapitan ako ng P.A. [production assistant], ‘Miss Yas, hindi po kayo dito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Ha? Bakit? May taping kami!'" nagtatakang tanong ni Yasmien.

Natauhan lamang siya nang sumagot ang P.A. ng “Set po ito nina Bea Alonzo.”

Noong nag-uumpisa si Yasmien sa showbiz, marami ang nagsasabi sa kanyang magkahawig sila ni Bea, na gumaganap na kapatid niya sa Start-Up PH, kaya tuwang-tuwa siya dahil magkasama sila sa isang drama series.

Read: Yasmien Kurdi reveals reason she may not be able to work with Bea Alonzo

Saad ng StarStruck alumna, “Lagi nilang sinasabi kasi na magkamukha raw kami ni Bea even before pa, noong nasa ABS pa siya.”

Masaya si Yasmien dahil sa kanyang role sa Start-Up PH.

“Nung in-offer sa akin itong Start-Up, nung sinabi nga na I’ll be playing Won In-jae, si Ina Diaz sa Philippine version, talagang tinanggap ko ho agad.

“Noong una, pressure siya [para sa akin]. Sabi ko, kaya ko ba?

"Tapos pinanood ko uli, inulit ko. Sabi ko, parang kaya naman. Sige, game, go!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang saya ko na naibigay sa akin ang role."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi, nakatrabaho ang sinasabing kamukha niyang si Bea Alonzo sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Start-Up.
PHOTO/S: Noel Orsal / @yasmien_kurdi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results