Gabby Eigenmann, umapelang tapusin na ang network wars; inaming "hidden fan" nina Bea at John Lloyd

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2022
gabby eigenmann smiling
Gabby Eigenmann: "I never really imagined, umuuwi ako sa bahay after midnight, ginagawa ko ang Voltes V at saka Start-Up, biggest shows ng GMA. Iba! Parang, 'Lord, thank you so much for all these blessings and thank you for keeping my feet on the ground.'"
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang tapusin na ang network wars ang apela ni Gabby Eigenmann sa media conference ng Philippine adaptation ng popular Korean drama series na Start-Up na ginanap sa Cinema 2 ng Robinson’s Galleria kahapon, September 17, 2022.

Si Gabby ang gumaganap na stepfather ng karakter ni Yasmien Kurdi sa Start-Up PH.

Nasabi niyang wakasan na ang mga network war nang magkuwento siya tungkol sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makatrabaho si Bea Alonzo at nang tanungin tungkol sa paglipat sa GMA-7 ng mga artista ng ABS-CBN.

Pahayag ni Gabby, “I’m so overwhelmed, I’m so happy, ecstatic, kasi fan ako nina Bea and John Lloyd [Cruz], 'hidden' fan ako. Na-imagine ko, sana maka-work ko si Bea.

“Natutuwa ako, hindi mo ma-imagine na kailan ko kaya makakatrabaho ang mga taga-kabilang istasyon unless tatawid ako o sila yung tatawid, e, tumawid.

So, ang opportunity ko is I have to welcome, sa mga lumilipat, we have to welcome them. We have to make them feel at home dahil bagong lipat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ipinaramdam ko naman kay Bea yun and make her feel na, ‘O ha!’ O ha, dito ka rin pala…"

Pero bawi niya agad, “Hindi naman ganoon. Lagi akong dumadalaw sa dressing room niya, ‘Hi, hello, kumusta ka naman dito?’

“Natutuwa ako kasi may nagtanong sa akin before na isang press, ‘Hindi ka ba nai-intimidate, ang dami nang lumilipat sa GMA?’

“Sabi ko, why would you be intimidated? Hindi ko naman puwedeng sabihin na bahay ko ito, bakit ako mai-intimidate?

“We always welcome people coming in. We welcome mga bagong lipat mula sa kabilang istasyon because we want to learn, we want to experience kumusta ang trabaho nila doon?

“Natuwa kami. Maliit lang ang mundo ng showbiz, so tapusin na natin ‘yang network wars na ‘yan.”

Twenty-five years nang Kapuso si Gabby mula nang maging bahagi siya ng defunct musical-variety show na SOP.

Napanood ni Gabby ang original version ng Start-Up at nagkatotoo ang pumasok noon sa kanyang isip na makasali sana siya sa cast kapag nagkaroon ng Philippine adaptation ang nabanggit na Korean drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “When I watched Start-Up, iniisip ko kung gagawin ito dito, may opportunity kaya na makasali ako. Pero ganoon lang ang trato ko sa mundo ko.

“And then, finally, nung ma-announce na may Philippine adaptation ng Start-Up, I was, like, 'Naku, sino kaya? Ano kayang character if ever?'"

Doble ang kaligayahan na nararamdaman ni Gabby dahil bukod sa Start-Up PH, kabilang din siya sa mga artista ng Pinoy version ng Voltes V na nakatakdang ipalabas ng GMA-7 sa 2023.

“I never really imagined, umuuwi ako sa bahay after midnight, ginagawa ko ang Voltes V at saka Start-Up, biggest shows ng GMA. Iba!

“Parang, 'Lord, thank you so much for all these blessings and thank you for keeping my feet on the ground.'

“Nararamdaman ko nung nagte-taping ako, thank you at nabubuo na yung bahay ko. Pero yung opportunity to be working with this cast, iba yung feeling talaga,” pasasalamat ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya rin ang Kapuso actor dahil mabubuo na ang bahay na ipinatatayo niya na resulta ng kanyang kasipagan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Eigenmann: "I never really imagined, umuuwi ako sa bahay after midnight, ginagawa ko ang Voltes V at saka Start-Up, biggest shows ng GMA. Iba! Parang, 'Lord, thank you so much for all these blessings and thank you for keeping my feet on the ground.'"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results