Miss Grand Myanmar 2021 Han Lay, ilang araw nang stranded sa Thailand airport

by Jojo Gabinete
6 days ago
han lay in white
Tatlong araw nang stranded o namamalagi sa Suvarnabhumi International Airport ng Bangkok, Thailand ang 23-year-old Burmese beauty queen na si Thaw Nandar Aung aka Han Lay. Ayon sa isang airport official na, diumano, may iregularidad na nakita sa passport ni Han Lay kaya hindi ito pinayagang makapasok sa Thailand.
PHOTO/S: @hann_may on Instagram

Tatlong araw nang stranded o namamalagi sa Suvarnabhumi International Airport ng Bangkok, Thailand ang 23-year-old Burmese beauty queen na si Thaw Nandar Aung aka Han Lay.

Si Han Lay ang official representative ng Myanmar sa 8th Miss Grand International na ginanap sa Bangkok noong March 27, 2021.

Si Samantha Bernardo ng Pilipinas na hinirang na 1st runner-up ang isa sa mga nakatunggali ni Han Lay para sa 8th Miss Grand International crown.

Read: Miss Grand Myanmar Han Lay at Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin, parehong di makauwi sa kanila

Nanatili sa Thailand si Han Lay mula nang sumali siya sa Miss Grand International dahil may arrest warrant na naghihintay sa kanya sa Myanmar kapag umuwi siya.

Isa si Han Lay sa mga mamamayan ng Myanmar na kinondena ang military coup na nangyari sa kanilang bansa noong February 1, 2021.

Sa kanyang privilege speech sa Miss Grand International noong March 27, 2021, nagsalita si Han Lay tungkol sa mga pang-aabuso na nararanasan ng kanyang mga kababayan mula sa kamay ng mga militar kaya hiningi niya ang suporta at tulong ng international community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakuha ni Han Lay ang simpatiya ng mga tao nang lumuluha niyang sinabi, “Today in my country, Myanmar, while I am going to be on this stage, there are so many people dying, more than 100 people died today. I am deeply sorry for all the people who have lost their lives.

"The people from Myanmar, they are working on the streets for democracy. I am also the one who is rooting for democracy on the stage right now...I want to say for here that, please help Myanmar. We need your urgent international help right now."

Naglabas ng arrest warrant laban kay Han Lay ang military junta ng Myanmar pagkatapos mapanood sa buong mundo ang kanyang privilege speech.

Read: What will happen to Miss Grand Myanmar Han Lay, Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin if they get arrested?

Pansamantalang umalis ng Thailand si Han Lay dahil nagpunta ito sa Vietnam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang bumalik siya noong Miyerkules, September 21, hindi na pinapasok ng Thai immigration authorities ang Burmese beauty queen.

Sinabi ng isang airport official na, diumano, may iregularidad na nakita sa passport ni Han Lay kaya hindi ito pinayagang makapasok sa Thailand.

Pinaniniwalaang kinansela ng military junta ng Myanmar ang pasaporte ni Han Lay na isang dahilan para i-deport siya sa sariling bansa niya.

Ang Miss Grand International Organization na pinamumunuan ni Nawat Itsaragrisil ang kumupkop kay Han Lay nang magpasya itong huwag nang bumalik sa Myanmar at manatili na lamang sa Thailand.

Umaasa ang mga nagmamalasakit kay Han Lay na pagbibigyan ng Thai government ang kanilang pakiusap na huwag hayaang pabalikin sa Myanmar ang beauty queen para sa sariling kaligtasan nito.

Umapela na rin si Han Lay sa United Nations High Commissioner for Refugees para tulungan siya.

Humingi si Han Lay ng tulong sa pamamagitan ng kanyang Facebook post (published as is):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Myanmar Police are now at the Suvanabumi Airport and they are trying to reach me out to talk with me. I request to Thai authority from here please help for me and i will refuse to meet with the Myanmar police by using my human right! i reported to UNHCR already too.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatlong araw nang stranded o namamalagi sa Suvarnabhumi International Airport ng Bangkok, Thailand ang 23-year-old Burmese beauty queen na si Thaw Nandar Aung aka Han Lay. Ayon sa isang airport official na, diumano, may iregularidad na nakita sa passport ni Han Lay kaya hindi ito pinayagang makapasok sa Thailand.
PHOTO/S: @hann_may on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results