PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wowowin, itinigil na ang live streaming sa Facebook at YouTube

Wowowin, noontime show at Sunday variety program sa bagong studio mapapanood.
by Jojo Gabinete
Published Sep 26, 2022
willie revillame hosting
Aside from the latest developments on ALLTV, Willie Revillame also announced that he is working on a new album.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nag-umpisa na ang pagpapahinto ni Willie Revillame sa live streaming ng Wowowin sa Facebook at YouTube ngayong Lunes ng gabi, September 26, 2022.

Ito ay dahil sa kagustuhan niya at ng management ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na ituon ng publiko ang atensiyon sa panonood sa ALLTV Network.

“Wala tayong Facebook at YouTube ngayon kasi ang gusto namin ng AMBS management ay nakatutok kayo sa TV.

“Ang hirap manood sa cell phone kung kayo ho ay nasa biyahe,” paliwanag ni Willie tungkol sa pasya nila ng AMBS management na itigil muna ang live streaming ng kanyang programa sa Facebook at YouTube.

Ibinalita rin ni Willie na sigurado nang mapapanood ang Wowowin, ang noontime show, at Sunday variety program ng ALLTV sa mga bagong studio ng AMBS sa Starmall sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, simula sa January 2023.

Binanggit ni Willie na malapit nang magsimula ang weekly program ni Anthony Taberna, na mapapanood tuwing Sabado sa bagong bukas na television network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga pagbabago itong October at November sa ALLTV. Abangan niyo sa announcement kung ano po iyan at ang mga bagong programa.

“Si Ka Tunying po, si Anthony Taberna, magkakaroon siya ng programa every Saturday. Ang importante ho, malalaman ninyo ang programming na ginagawa natin."

Ibinalita rin ni Willie na makalipas ang ilang taon, gumagawa na rin uli ng album.

“May ginagawa kami ni Vehnee Saturno ng bagong album. Ang carrier single ng album, 'Ingat Ka' ang pamagat.

“Ang ganda ho, ni-record ko kagabi. Yung mga kanta ko, yung iba diyan, gawa ni Vehnee.

"Yung iba, gawa naman ni Lito Camo at meron din ginawa ang kaibigan natin na si Mr. Ogie Alcasid, yung 'Akala Ko.'

“Ilang taon akong hindi nakagawa ng album, six or seven years yata ako na hindi nakagawa ng mga bagong kanta. So, medyo sinisipag kami ni Vehnee at ni Lito.

"Yung mga bagong kanta, ilo-launch namin sa Saturday," lahad ni Willie, na umawit ng mga monster hit song na "Ikaw Na Nga" at "Boom Tarat Tarat."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aside from the latest developments on ALLTV, Willie Revillame also announced that he is working on a new album.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results