Hindi na pinayagang makapasok sa Bangkok, Thailand si Miss Grand International Myanmar 2020 Thaw Nandar Aung, aka Han Lay.
Pero pinagkalooban siya ng asylum sa Canada ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) kaya lilipad na siya sa naturang bansa ngayong Martes ng gabi, September 27, 2022.
Read: Burmese beauty queen Han Lay hindi na pababalikin ng Thai government sa Myanmar
Mula sa Thailand, magkakaroon si Han Lay ng stopover sa Incheon International Airport ng South Korea at dito siya sasakay ng eroplano na maghahatid sa kanya sa Toronto, Canada para sa pagsisimula ng bagong buhay niya.
Halos isang linggo nang naka-detain si Han Lay sa Suvarnabhumi International Airport ng Bangkok, Thailand, mula pa noong September 21.
Hindi na siya pinapasok nang makita ng Immigration officials na may problema sa kanyang passport na pinaniniwalaang kinansela ng military junta ng Myanmar.
Read: Miss Grand Myanmar 2021 Han Lay, ilang araw nang stranded sa Thailand airport
Si Han Lay ang kinatawan ng Myanmar sa 8th Miss Grand International na ginanap sa Bangkok noong March 27, 2021.
Dahil sa privilege speech niya sa coronation night tungkol sa mga karahasang nangyayari sa bansa nila, naglabas ang military junta ng arrest warrant laban sa kanya kaya hindi na siya nakabalik sa sariling bansa.
Read: Miss Grand Myanmar Han Lay at Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin, parehong di makauwi sa kanila
Nanatili sa Bangkok si Han Lay pero bumiyahe ito sa Vietnam noong nakaraang linggo. Pagbalik niya sa Thailand, hindi na siya pinapasok ng Immigration authorities.
Hiningi ni Han Lay ang tulong ng UNCHR at hindi siya nabigo dahil sa refugee status sa Canada na ipinagkaloob sa kanya.
Ang 8th Miss Grand International first-runner up na si Samantha Bernardo ng Pilipinas ang isa sa mga nakatunggali ni Han Lay sa Thailand-based international beauty pageant na kumupkop sa kanya sa matagal na panahong pananatili niya sa Bangkok.