PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Marites" nakaabot sa panahon nina Maria Clara at Ibarra

Crisostomo Ibarra, ginamit ang salitang "Marites" sa kanyang linya.
by Jojo Gabinete
Published Oct 14, 2022
maria clara at ibarra cast
Kahit alam ng mga manonod na kathang-isip lamang ang kuwento ng Maria Clara at Ibarra, tuwang-tuwa silang mapanood at marinig na nagbibitaw ng mga makabagong salita, tulad ng "Marites" at "Babu," ang mga karakter mula sa Noli Me Tangere na nilikha ni Dr. Jose Rizal noong 1887—panahon kung saan sakop pa ng mga Kastila ang ating bansa.
PHOTO/S: GMA Network

Ang pagbibitaw ng linyang "Marites" ng Crisostomo Ibarra character ni Dennis Trillo sa episode ng GMA-7 primetime series na Maria Clara at Ibarra nitong Huwebes, October 13, 2022, ang patunay na popular na popular sa mga Pilipino ang pangalang inimbento at tawag sa mga kababayan nating mahihilig sa mga tsismis.

Ang "Marites" ang official hashtag ng episode ng Maria Clara at Ibarra kagabi kaya nag-trending ito sa Twitter Philippines.

Naaliw nang husto ang mga manonood sa dialogue ni Dennis Trillo bilang Crisostomo kay Barbie Forteza, na gumaganap na Klay o modern Maria Clara.

Bahagi ng linya ni Ibarra: “Bukas nga pala ay Todos Los Santos na kaya’t magpapasama tayo kay Mang Adong sa sementeryo upang bisitahin ang libingan ng aking ama.

“Siyanga pala, ipapakilala kita sa lahat ng mga tagarito bilang aking pinsan nang sa gayo’y hindi tayo maging laman ng mga masasamang usap-usapan ng mga... ano nga ba yung tawag nito… Marites!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinatuwa ito ni Klay at sinabing: “At least naging modern na si Sir. Alam na niya yung Marites.”

Kahit alam ng mga manonod na kathang-isip lamang ang kuwento ng Maria Clara at Ibarra, tuwang-tuwa silang mapanood at marinig na nagbibitaw ng mga makabagong salita, tulad ng "Marites" at "Babu," ang mga karakter mula sa Noli Me Tangere na nilikha ni Dr. Jose Rizal noong 1887—panahon kung saan sakop pa ng mga Kastila ang ating bansa.

Kabilang ang award-winning director na si McArthur Alejandre sa mga pumupuri sa bagong programa ng Kapuso Network, lalo na ang eksenang inawit ni Julie Anne San Jose ang Ave Maria.

“Have you seen Julie Anne San Jose’s 'Ave Maria' sequence in Maria Clara at Ibarra? That is a gem. And her voice…SOLID” ang papuri ni Alejandre sa Maria Clara at Ibarra.

Si Alejandre ang direktor ng Amaya (GMA-7, May 2011-January 2012), na isang drama-period series din tulad ng Maria Clara at Ibarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy na kinagigiliwan at sinusubaybayan ng manonood ang Maria Clara at Ibarra mula nang mag-umpisa ito sa telebisyon noong October 3, 2022.

Inaabangan na rin ang paglabas ni Andrea Torres bilang Sisa sa Maria Clara at Ibarra dahil ipinakita na kagabi ang eksena ng mga batang aktor na gumaganap na mga anak niya—sina Basilio at Crispin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit alam ng mga manonod na kathang-isip lamang ang kuwento ng Maria Clara at Ibarra, tuwang-tuwa silang mapanood at marinig na nagbibitaw ng mga makabagong salita, tulad ng "Marites" at "Babu," ang mga karakter mula sa Noli Me Tangere na nilikha ni Dr. Jose Rizal noong 1887—panahon kung saan sakop pa ng mga Kastila ang ating bansa.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results