Nababanggit ang pangalan ng Filipino politician at businessman na si Luis "Chavit" Singson sa isyu ng pagbili ng Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip sa Miss Universe Organization.
Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe
Si Singson ang major sponsor ng 65th Miss Universe na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City, noong January 23, 2017.
Si Anne ang chief executive officer ng Thailand-based JKN Global Group at sa report ng international press, binili niya ang Miss Universe Organization (MUO) mula sa Endeavor Group Holdings Inc. sa halagang US$20 million.
Pero sa panayam ng Bangkok Post, sinabi ni Anne na US$14 million ang kanyang ibinayad.
Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip, nabili ang Miss Universe sa halagang US$14 million
Nababanggit ang pangalan ni Singson dahil sa mga nakaraang interbyu, sinabi niyang US$12 million ang kanyang ginastos noong 2017 bilang major sponsor ng 65th Miss Universe.
Read: Chavit Singson recalls spending US$12 million for Miss Universe 2016
Kung pagbabatayan ang ulat ng Bangkok Post na US$14 million ang ginastos ni Anne para mabili ang MUO, puwedeng-puwede rin itong bilhin ng Filipino businessman.
May mga haka-hakang hindi nagkaroon ng interes si Singson na bilhin ang MUO.
Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News noong June 2018, sinabi ni Singson na hindi pa siya binabayaran ng mga pribadong kompanya na nakisosyo sa kanya nang idaos sa Pilipinas ang global beauty pageant noong January 2017.
“Awa ng Diyos, di pa ako bayad. Maraming rason.
"I don’t want to name names pero marami pa silang kulang.
"May sisingilin pa akong P100 million, $2 million.
"Dapat magbayad na sila," pahayag noon ni Singson.
Read: Chavit Singson, kinumpirmang hindi sa Pilipinas gaganapin ang Miss Universe 2018
Samantala, may live broadcast si Anne sa kanyang official Facebook page kagabi, October 26, tungkol sa acquisition ng kompanya niya sa MUO.
Inilahad ni Anne na tumagal ng isang taon ang negosasyon nila ng Endeavor Group Holdings, Inc. bago napasakamay niya nang tuluyan ang MUO.
Sinabi ni Anne na mananatili sa New York City ang head office ng Miss Universe Organization, pero magkakaroon din ito ng opisina sa kanyang JKN Empire building sa Bangkok.
Kasama sa plano ni Anne na idaos sa Thailand tuwing ikalawang taon ang Miss Universe pageant para maitaguyod niya ang industriya ng turismo ng kanilang bansa.