PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval spotted after news of her giving birth came out

AJ Raval, umiwas nang tanungin sa balitang nanganak na siya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 1, 2022
aj raval latest photos
Pagkatapos mapabalitang nanganak na umano si AJ Raval sa love child nila ni Aljur Abrenica, namataan ang sexy star (kanang larawan) sa opisina ng kanyang home studio, ang Viva Films, ngayong Huwebes ng gabi, December 1, 2022.
PHOTO/S: Facebook / John Navarro

Sa gitna ng mga balitang isinilang niya diumano ang love child nila ni Aljur Abrenica noong nakaraang buwan, isang payat at seksing AJ Raval ang namataang dumalaw sa opisina sa Pasig City ng kanyang mother studio, ang Viva Entertainment, ngayong Huwebes ng gabi, December 1, 2022.

Ang pagbisita ni AJ sa Viva office ang unang pagkakataong nagpakita siya sa publiko matapos mapabalitang nagbunga ang relasyon nila ni Aljur. Pero pinanindigan niya ang pagtanggi.

Read: AJ Raval flaunts sexy body on IG Live: "Huwag na kayong masyadong nagpapaniwala sa chismis."

Ang handler ni AJ na si John Navarro ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa pagbisita ng secretive sexy star sa Viva office.

aj raval john navarro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AJ Raval with handler John Navarro

Sinabi ni John na nagsadya si AJ sa kanilang opisina dahil pinag-usapan nila ang comeback project ng sexy star na nakatakdang umpisahan ang shooting sa February 2023.

Diumano, uunahin muna ni AJ ang shoot nito para sa isang bagong endorsement na mangyayari bago sumapit ang Pasko.

At dahil pinag-uusapan nang husto ang pananahimik ni AJ, ipinatanong namin kay John ang mensahe ng sexy star para sa mga tagahanga nitong naghahanap ng kasagutan tungkol sa kanyang ilang buwang mahiwagang pagkawala.

Mabilis ang sagot ni AJ: “Please watch Us X Her, now streaming on Vivamax.”

Natawa kami sa "promong-promo" na mensahe ni AJ para sa kanyang mga tagahanga.

Ang Us X Her ang huling pelikulang ginawa niya bago siya naglaho at nagsimula ang streaming sa Vivamax noong November 25.

Nakapaninibago ang sagot ni AJ dahil nasanay kami sa pagiging totoo nito, tulad nang sabihin niya sa isang press conference na sumailalim siya noon sa breast augmentation procedure at kasama sa kanyang plano na ipatanggal ang breast implants, kahit walang nagtatanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: AJ Raval, umaming nagpadagdag ng boobs; balak ipatanggal sa 2022

Marami ang mga nagpapatotoong nanganak si AJ pero mahirap itong mapatunayan kung mismong ang may katawan ang tumatanggi o hindi umaamin.

Walang ipinagkaiba ang sitwasyon ni AJ kay Julia Montes, na matagal nang napapabalitang dalawa na ang anak kay Coco Martin pero makukumpirma lamang ito kung sa kanya magmumula ang rebelasyon.

Read: Netizens ask: is Julia Montes pregnant with Coco Martin's child?

Pero hangga’t ayaw magsalita o umamin nina AJ at Julia, hindi sila mapipilit ng mga tao dahil bukod sa their body, their choice na paninindigan, karapatan nilang protektahan ang mga pribadong buhay para sa kanilang mga sariling kapayapaan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos mapabalitang nanganak na umano si AJ Raval sa love child nila ni Aljur Abrenica, namataan ang sexy star (kanang larawan) sa opisina ng kanyang home studio, ang Viva Films, ngayong Huwebes ng gabi, December 1, 2022.
PHOTO/S: Facebook / John Navarro
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results