Ang pagpanaw ni Jovit Baldivino dahil sa brain aneurysm ang naging sanhi kaya muling napagtuunan ng pansin ang kondisyong kumitil din sa buhay ng aktres na si Isabel Granada noong November 4, 2017.
Halos hindi nagkakaiba ang karanasan nina Jovit at Isabel dahil pareho silang nagtatanghal nang mangyari ang malungkot at nakabibiglang insidente.
Bumagsak at nawalan ng malay si Isabel sa isang fan meet-and-greet sa Doha, Qatar noong October 25, 2015.
Read: Isabel Granada dies at 41
Isinugod si Jovit sa ospital matapos niyang magtanghal sa isang Christmas party sa Batangas City noong December 3, 2022 dahil nakita siyang nakangiwi ang nguso habang nakaupo.
Read: Singer Jovit Baldivino dies at 29
Kapwa na-comatose ang dalawa bago sila binawian ng buhay sa mga ospital na pinagdalhan sa kanila.
Ayon sa healthline.com, ang brain aneurysm "is a deformity of an artery where a spot in the arterial wall in the brain bulges and fills with blood. It may also be called an intracranial aneurysm or cerebral aneurysm.
"A brain aneurysm is a potentially life threatening condition that can affect a person at any age. If a brain aneurysm bursts, or ruptures, it’s an emergency situation that can result in a stroke, brain damage, and even death if not treated immediately."
Ang veteran actor na si Julio Diaz ang isa sa mga entertainment personality na nagkaroon ng brain aneurysm, pero matagumpay na nalampasan ang pinagdaanang matinding pagsubok sa kanyang kalusugan.
Bumagsak si Julio sa labas ng tahanan niya sa Bulacan noong April 2016 matapos makaranas ng matinding pananakit ng kanyang ulo.
Read: Julio Diaz in need of urgent brain surgery
Nagpahatid ng tulong pinansiyal kay Julio ang kanyang pamilya at mga nagmamalasakit na kaibigan kaya nalikom ang dalawang milyong piso (P2 million) na kailangan para sa operasyon niya noon.
Read: Fundraising event for Julio Diaz and Richard Merck to take place on May 1
Binigyan ng mga doktor ng taning na 24 hanggang 48 na oras ang buhay ni Julio, na mapalad na nakaligtas nang sumailalim sa brain surgery at nagkamalay makalipas ang labindalawang araw.
Ang makabalik sa pag-arte ang isa sa mga ipinagdasal ni Julio nang gumaling ito. Dininig ng Panginoong Diyos ang kanyang mga panalangin dahil aktibo na uli siya sa paggawa ng mga pelikula.
Kasama si Julio sa cast ng Pamasahe, ang launching movie ng sexy star na si Azi Acosta na nagsimula ang streaming sa Vivamax kahapon, December 9.
Isang mapagsamantalang kapitan ng barko ang karakter na ginampanan ni Julio sa Pamasahe. Kahit maiksi, markadung-markado ang papel na binigyang-buhay niya dahil sa kanyang ipinamalas na husay sa pag-arte.
Walang mag-aakalang brain aneurysm ang dahilan kaya nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ni Julio noong 2016. Maayos na maayos na ngayon ang kalagayan niya, at kapuri-puri ang kanyang brief but brilliant performance sa Pamasahe.