PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Pacquiao, wagi sa exhibition boxing bout sa South Korea

Manny Pacquiao, babalik ba sa professional boxing?
by Jojo Gabinete
Published Dec 11, 2022
manny pacquiao dk yoo boxing match
Nanaig ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa friendly exhibition match nila ng Korean martial artist at YouTuber na si DK Yoo sa South Korea nitong Linggo ng hapon, December 11, 2022.

Nagwagi dahil sa unanimous decision ang Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao sa exhibition boxing bout nila ng Korean martial artist at popular YouTube star na si DK Yoo.

Ginanap ang laban nila sa Korea International Exhibition Center (KINTEX), Gyeonggi, South Korea, nitong nitong Linggo ng hapon, December 11, 2022.

pacaquiao yoo poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling ipinamalas ni Pacquiao ang galing nito sa propesyong nagpasikat sa kanya dahil ilang beses niyang napaupo at napatumba ang 42-year-old (international age) Korean martial artist na may taas na 5’10".

"It's nice to be back in the ring for this charity exhibition match. I'm going to continue my training to get back in shape," pahayag ni Pacquiao sa panayam sa kanya ng The Mirror pagkatapos ng tagisan nila ni DK Yoo.

Tinanong din si Pacquiao kung babalik siya sa legitimate professional boxing sa susunod na taon.

"You’ll see," sagot niya.

Read: Senator Manny Pacquiao says goodbye to boxing

Ano naman ang reaksiyon ni Pacquiao sa posibilidad na exhibition match nila ni Floyd Mayweather Jr. sa 2023?

Read: Manny Pacquiao on his defeat against Floyd Mayweather Jr.: “I believe I won the fight.”

"I don't know [if he'll accept an exhibition with me]. I don't have an idea because that guy always changes his decision,” sabi niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang friendly boxing bout nila ni DK You ang unang pagkakataong muling tumuntong sa boxing ring si Pacquiao makaraang talunin siya ng Cuban boxer na si Yordenis Ugás sa kanilang welterweight professional boxing match na naganap noong August 2021 sa Paradise, Nevada, USA.

Read: Manny Pacquiao, talo kay Ugas; tatakbo na bang pangulo next year?

Magdiriwang si Pacquiao ng 44th birthday sa December 17, at ang tagumpay niya sa six-round friendly exhibition game nila ni DK Yoo ang isa sa maagang regalo na kanyang natanggap.

Ang mga biktima ng digmaan sa Ukraine ang makikinabang sa kinita ng laban sa pagitan nina Pacquiao at DK Yoo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanaig ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa friendly exhibition match nila ng Korean martial artist at YouTuber na si DK Yoo sa South Korea nitong Linggo ng hapon, December 11, 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results