PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda comes home to GMA Network

Boy Abunda, pipirma ng kontrata sa GMA-7 ngayong December 15.
by Jojo Gabinete
Published Dec 15, 2022
boy abunda gma-7 comeback
Veteran talk show host Boy Abunda is set to sign a contract with GMA Network this Thursday afternoon, December 15, 2022. It has been 23 years since he left his original home network to transfer to ABS-CBN.
PHOTO/S: Noel Orsal

Isang mainit na pagsalubong ang naghihintay sa veteran TV host na si Boy Abunda sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Network ngayong Huwebes ng hapon, December 15, 2022.

Ang GMA-7 ang unang nagtiwala sa kakayahan ni Boy bilang television host sa pamamagitan ng talk show na Show & Tell noong 1994 at ng showbiz-oriented program na Startalk noong October 1995.

Pero noong 1999 ay lumipat siya sa ABS-CBN kaya sa "pag-uwi" niya sa Kapuso Network, akmang-akma ang pagbati sa kanya ng “Maligayang Pagbabalik sa Tahanan.”

Matagal na ang mga haka-hakang magbabalik si Boy sa kanyang orihinal na home studio, ilang buwan matapos hindi bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Pero walang kumpirmasyon.

Hanggang maglabas ang GMA-7 ng teaser noong December 7, 2023: “Handa na BA ang lahat para sa HOMECOMING ng isang SHOWBIZ Icon? Abangan ang kanyang pagbabalik sa GMA coming soon!”

Read: Kapuso artist, lilipat sa NET25; showbiz icon, babalik sa GMA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sigurado nang mangyayari ito dahil sa nakatakdang pagpirma ng kontrata ni Boy sa Kapuso network ngayong Huwebes ng hapon.

Pagkatapos ng contract signing, haharap si Boy sa mga miyembro ng media sa isang lugar sa Pasig City.

Iinaasahang sasagutin niya sa idaraos na press conference ang lahat ng mga katanungan tungkol sa kanyang desisyong umuwi sa dating tahanan makalipas ang dalawampu’t tatlong (23) taon.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran talk show host Boy Abunda is set to sign a contract with GMA Network this Thursday afternoon, December 15, 2022. It has been 23 years since he left his original home network to transfer to ABS-CBN.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results