Ang New Frontier Theater sa Araneta City, Cubao, Quezon City ang lugar na pagdarausan ng Gabi ng Parangal ng 48th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at magaganap ito sa December 27, 2022.
Read: Parade of Stars at awards night ng MMFF 2022, gaganapin sa Quezon City
Kakaiba ang awards night ng MMFF 2022 dahil walang mga inimbitahang artista na magtatanghal.
“No performers. We’ll try to have the whole event short and sweet,” pahayag ng isang production insider sa Cabinet Files.
Ang mananalo sa kategoryang Best Picture ang isa sa mga pinakahihintay na resulta dahil nakasalalay ang box-office success ng proyekto sa parangal na ipagkakaloob ng mga hurado.
Ang Viva Live ang producer ng Gabi ng Parangal; at sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda, at BB Gandanghari ang mga host ng programa.
Inaasahan ang mga "pasabog" at eksenang gagawin ni BB, tulad ng damit o gown na gagamitin nito sa kanyang hosting stint, dahil ito ang unang showbiz event na dadaluhan niya makalipas ang pitong taong pamamalagi sa Amerika.
Hindi baguhan si BB bilang emcee ng mga awards night dahil noong dekada '90, in demand host siya sa iba’t ibang mga award-giving body noong si Rustom Padilla pa ang katauhan niya.

Rustom Padilla and Rosanna Roces hosting the Gawad Urian in the '90s
Isang malaking industry event ang gabi ng parangal ng 48th Metro Manila Film Festival kaya tiyak na makikinabang nang husto si BB. Perfect timing ang pag-uwi niya sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang mga mahal sa buhay na matagal na niyang hindi nakikita at nakakapiling.
Read: BB Gandanghari returns to PH after 7 years; reunites with mom Eva Cariño, brother Robin Padilla
Madali na para kay BB ang magpabalik-balik sa Pilipinas at Amerika dahil ganap na ang pagiging U.S. citizen niya kaya "Binibining Gandanghari" na ang legal name nito sa kanyang passport.