Si Pokwang ang bisita sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA-7 bukas, February 3, 2023.
Ang paghihiwalay nila ng dating live-in partner niya na si Lee O’Brian ang isa sa mga tiyak na magiging paksa ng kanilang pag-uusap ng host na si Boy Abunda.
May mga espekulasyong hahantong sa korte ang isyu sa pagitan nina Lee at Pokwang dahil isasama ng comedienne sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda ang kanyang abogado.
Nakagugulat ang pagbabago ng ihip ng hangin sa panig ni Pokwang dahil sa panayam ng 24 Oras noong July 2022, ipinagtanggol pa niya si Lee at pinabulaanang "palamunin" ang kanyang dating kinakasama.
Read: Pokwang defends ex-partner Lee O’Brian from "palamunin" accusation: “Masipag po yung tao.”
Pahayag noon ng comedienne: “Una sa lahat, walang third party, wala, in all fairness kay Papang.
"Hindi rin pera, kagaya ng mga lumalabas na pera. Hindi ganoon, walang ganoon.
"Siguro napagod lang kami kasi ako yung taong lahat tinitiis ko, hangga't kaya ko, ako lang.
“Hangga't kaya ko itago sa anak ko, hangga't kaya ko huwag iiyak sa harap nila. Lahat ng burden, gusto ko ako lang.
"Parang nahihiya ako mandamay sa pamilya ko."
Mariin ding itinanggi ni Pokwang ang mga paninira kay Lee dahil nasasaktan siya sa mga akusasyon laban sa ama ng kanyang anak na si Malia.
“Sana ang alam ng tao na ang hinuhusgahan ninyo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama.
“Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko na kesyo palamunin ko daw. Masipag po yung tao,”sabi noon ni Pokwang.
Related Stories:
- Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz
- Pokwang blasts basher mocking her breakup with “karma” comment
- Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian
- Pokwang reacts to “sayang luha” comment on birthday video of ex-partner Lee O'Brian
- Pokwang tears up about being a "single mom again"
- Pokwang laughs off comment about possibility of ex-partnerLee O’Brian marrying her
Pero makalipas ang pitong buwan, kinontra niya ang sarili dahil ang mga kasiraan ni Lee ang mga lumalabas mula sa kanyang bibig ngayon.
Hindi nakontrol ni Pokwang ang tunay na damdamin. Sumambulat ang sama ng loob na kanyang kinikimkim dahil sa komento ng isang Instagram follower niya.
Hindi pinalampas ni Pokwang ang sinabi ng Instagram user na, diumano, ang pagiging "talakera" niya ang dahilan kaya siya iniwan ni Lee.
Buwelta ng Kapuso star: "T**ga nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siya palamunin at limang taon walang child support! ‘Wag ka na baka madamay ka sa demandahan namin.
“Super tanggol ka, type mo ba siya? Di ka papatulan niyan kung waley ka pakinabang!!!
"Or kaibigan mo yung babaeng involve? Pakisabi congrats, nagtagumpay siya na wasakin ang puso ng anak namin na ngarap na mabuo kaming muli!" litanya ni Pokwang na nagpahiwatig na sasampahan niya ng kaso si Lee.
Related Stories:
- Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
- Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
- Pokwang tells on ex-partner Lee O'Brian not giving child support: “5years!!!!”
- Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
May mga naniniwalang mahal pa rin ni Pokwang si Lee kaya nasaktan siya nang malamang may iba nang karelasyon ang kanyang ex-live-in partner na pinaghihinalaang puno’t dulo ng pagsisiwalat niya sa mga tunay na dahilan ng pagwawakas ng kanilang relasyon.