PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos sa Fast Talk ngayong Valentine's Day

Vilma Santos, muling tutuntong sa bakuran ng GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Feb 14, 2023
vilma santos boy abunda fast talk
Star For All Seasons Vilma Santos is the special guest in the Valentine episode of GMA-7's showbiz talk show, Fast Talk With Boy Abunda.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ang special guest ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes ng hapon, February 14, 2023.

Ito ang kauna-unahang live guesting ni Vilma sa GMA-7 makalipas ang matagal na panahon.

Hindi matatawaran ang loyalty ni Vilma sa ABS-CBN dahil dito nagsimula ang kanyang showbiz career, pero tumatanaw rin siya ng malaking utang na loob sa GMA-7.

Read: Mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano, nananatiling loyal sa ABS-CBN kahit walang prangkisa

Ang pagkakaalam ng lahat, unang lumabas si Vilma sa telebisyon sa D’Sensations, ang youth-oriented program ng ABS-CBN noong 1971. Pero lumitaw sa mga pagsasaliksik na kasama siya sa cast ng Larawan ng Pag-ibig, ang soap opera na napanood sa ABS-CBN Channel 3 noong February 1964.

larawan ng pag-ibig

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit matapat siya sa ABS-CBN, itinuturing din ni Vilma na tahanan ang GMA-7 dahil ito ang naging home network niya mula August 1986 hanggang September 1995.

Si Vilma ang host ng musical-variety show na Vilma! na napapanood tuwing Biyernes ng gabi. Napilitan siyang iwanan ang programa dahil sa maselang pagbubuntis niya kay Ryan Christian, ang bunsong anak nila ni House Representative Ralph Recto na isinilang noong March 29, 1996.

vilma santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiyak na marami ang mga alaalang magbabalik kay Vilma sa muling pagtuntong niya ngayon sa bakuran ng Kapuso Network na makasaysayan dahil mangyayari ito sa mismong Araw ng mga Puso.

Ipagdiriwang ni Vilma ang 60th anniversary ng kanyang entertainment career ngayong 2023 sa pamamagitan ng isang TV special na mapapanood sa Kapamilya Channel sa February 18, ang Anim na Dekada, Nag-iisang Vilma.

Read: Vilma Santos marks 60th showbiz anniversary with ABS-CBN show

Kasabay ng pagdiriwang ng 60th showbiz anniversary ni Vilma ang paglitaw ng mga billboard na may nakasulat na "NASAN SI Vi?" kahapon, Lunes, February 13.

nasan si vi billboard

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga haka-hakang may kinalaman sa anniversary show ni Vilma ang mga nakakaintrigang billboard, pero may mga dudang tungkol ito sa isang bagong endorsement ng Star for All Seasons.

May mga kumukuwestiyon din sa spelling o pagbaybay sa salita na "NASAN" dahil kulang umano ito ng titik A.

Kung magiging mapanuri ang mga mata ng mga nagsasabing mali ang spelling, mapapansin nila ang maliit na letrang "A" na parang nalaglag mula sa salitang "NASAN" kaya nagtagumpay ang naglabas ng intriguing billboard na makuha ang atensiyon ng publiko at ng mga eksperto sa wikang Pilipino.

nasan si vi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star For All Seasons Vilma Santos is the special guest in the Valentine episode of GMA-7's showbiz talk show, Fast Talk With Boy Abunda.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results