PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liza Soberano Clarifies GMA-7 Remarks

Liza, sa programa ng GMA-7 magpapaliwanag tungkol sa isyung kinasasangkutan.
by Jojo Gabinete
Published Mar 9, 2023
liza soberano fast talk guesting
Controversial actress Liza Soberano will appear in GMA-7's Fast Talk With Boy Abunda to air her side after being bashed for her statements in a vlog about her showbiz career.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram / GMA Network

Sa kauna-unahang pagkakataon, mula nang maging exclusive contract star siya ng ABS-CBN, mapapanood si Liza Soberano sa isang programa ng GMA-7.

Ang kampo mismo ng aktres ang nakipag-ugnayan kay Boy Abunda para maipaliwanag ang kanyang panig sa mga isyung kinasasangkutan sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ang manager ni Liza na si James Reid ang gumawa ng paraan na makausap si Boy pagkatapos nilang mapanood ang mga pahayag ng TV host sa episode ng Fast Talk noong February 28, 2023.

Bahagi ng pahayag noon ni Boy tungkol sa 14-minute vlog ng 25-year-old Filipino-American actress: “Disappointed po ako doon sa vlog, I'm not disgusted but I am extremely disappointed with the vlog.

"Do not disregard your past. Do not disregard the thirteen years na minahal ka ng fans mo.

"Do not disregard the hard work that your managers put into who you are today.

"You know what you should do, say thank you, because gratitude opens your heart and your life to more blessings."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boy Abunda disappointed with Liza Soberano's "this is me" vlog

Sa naturang vlog, sinabi ni Liza na ang paglipat nito ng management ang nagbigay sa kanya ng daan para kumawala mula sa mga taong nagdidikita sa mga ginagawa niya sa loob ng matagal na panahon mula pa noong teenager pa siya.

Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management

Kinabukasan, March 1, nakatanggap si Boy ng tawag mula kay James dahil nasaktan umano si Liza sa mga pahayag niya kaya nais ng aktres na magpainterbyu sa kanya.

Natuloy ang pagkikita at pag-uusap nina Boy at Liza noong March 7 sa isang lugar sa Makati City, isang araw bago bumalik sa Amerika ang aktres noong Miyerkules ng gabi, March 8.

Pinararatangang walang utang na loob si Liza ng mga taong hindi nauunawaan ang pinanggalingan ng kanyang mga salita at nararamdaman.

Dahil eksklusibo ang mga pahayag ni Liza, na binigyang-linaw ang bawat salitang binitiwan niya sa kontrobersiyal na vlog, hinati sa dalawang bahagi ang panayam sa kanya ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pamagat itong "Liza Soberano, The Story Behind Her Words," na mapapanood sa Fast Talk with Boy Abunda bukas, Biyernes, March 10, at sa Lunes, March 13.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Controversial actress Liza Soberano will appear in GMA-7's Fast Talk With Boy Abunda to air her side after being bashed for her statements in a vlog about her showbiz career.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results