Ang Facebook post kahapon, Abril 21, 2023, ni Kim Atienza ang dahilan kaya pinag-uusapan siya ngayong Sabado, Abril 22, sa social media.
Pinaalalahanan ni Kim ang publiko na maging handa at mag-ingat dahil sa matinding init ng panahon sa Metro Manila, na daranas umano ng mataas na temperatura.
"50 degrees Celsius in Metro Manila tomorrow. Please be careful," ang paalala ni Kim na pinaniwalaan ng karamihan dahil bukod sa kanyang taglay na kredibilidad, may sapat siyang kaalaman tungkol sa lagay ng panahon dahil matagal siyang nagsilbing weatherman ng ABS-CBN.
READ Kim Atienza says he cannot replace Mang Tani: "He was my mentor when I was a beginner in ABS-CBN."
Marami ang nagpasalamat sa paalaala at pagmamalasakit ni Kim sa mga Pilipino na pinaghandaan ang mainit na panahon.
Pero may mga kababayan na naging pilosopo, at binalikan siya nang bumuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila nitong Sabado ng hapon.
"Kuya Kim! Sabi mo 50 degrees celsius sa NCR ngayon? Umulan po ng malakas. Salamat po sa ulan. Feeling weird."
"Hi Kuya Kim. Salamat po sa info. Isang kapote lang po dala ko. Hinatid ko misis ko...hehehe. Ayun male-late siya kaya siya ang pinasuot ko ng kapote. Wet @Aprilfools."
"It’s a prank! Na-prank mo kami Kuya Kim."
"Kuya Kim, Bakit po kapag nakakapote na, saka pa hihinto ang ulan ? Ask lang po."
"Sinungaling si Kuya Kim. 50 celsius daw, basang-basa na ako ng ulan.”
Ilan ito sa mga reaksiyon at mensahe ng mga netizens kay Kim na may kasamang litrato at video bilang ebidensya na nabasa sila ng ulan.
Walang intensiyon si Kuya Kim na lituhin o linlangin ang publiko dahil ayon sa mga pahayagan ay aabot ng 50 degrees Celsius o "dangerous levels" ang heat index sa araw na ito.
Ang definition ng heat index ay "measure of how hot it really feels outside, when humidity and other factors are considered along with the temperature."
Samantala, ang temperature ay nasa 33 degrees Celsius, na mababa nang bahagya sa naitalang 36.2 degrees Celsius (highest so far) noong April 20.
READ:
Vice Ganda takes a swipe at Kim Atienza for "liking" comments against It's Showtime host
Kim Atienza's wife Felicia Hung Atienza is a real lady boss
Tulad ng madalas sabihin ni Kuya Kim noon, ang buhay ay weather-weather lang. Maraming surprises.
Hindi niya kasalanan ang biglaang pagbuhos ng ulan, at, in a way, mabuti nang nangyari ito dahil nakaiwas ang mga tao sa mapagmalupit na init ng panahon.