PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza no rivalry with his mentor Mang Tani

Kim Atienza recalls taking one-on-one lessons from Mang Tani.
by Rachelle Siazon
Published Oct 12, 2021
Kim Atienza (left) on being pitted against Mang Tani: "How can I replace my mentor? He was the one who taught me weather when I was doing my weather. I look up to him. To be able to work with him is an honor."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

"How can I replace my mentor?"

Ito ang sorpresang pahayag ni Kim Atienza sa isyung papalitan niya si Nathaniel Cruz sa GMA-7.

Si Kim, o mas kilala bilang Kuya Kim, ang dating resident weatherman ng ABS-CBN primetime newscast na TV Patrol sa loob ng 17 taon.

Si Nathaniel, o mas kilalang bilang Mang Tani, ang resident weatherman ng GMA-7 primetime newscast na 24 Oras.

Sa paglipat ni Kuya Kim sa GMA-7, nilinaw niyang malabong palitan niya si Mang Tani bilang eksperto sa lagay ng panahon.

"Funny nga, we were both trending in the Internet, 'Kuya Kim' and 'Mang Tani' kasi pinaglalaban kami. Sabi papalitan ko raw, et cetera, et cetera.

"Walang ganun. Gawa-gawa lang ng netizens," paglilinaw ni Kuya Kim.

Nakapanayam si Kuya Kim ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong October 5.

ONE-ON-ONE LESSONS WITH MANG TANI IN THE PAST

Dito niya unang ibinahagi na matagal na pala silang magkakilala ni Mang Tani, at kung bakit mataas ang pangtingin niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Kuya Kim, "Ay, naku! Hindi ko lang na-meet si Mang Tani, he was my mentor when he was spokesperson and head meteorologist in PAGASA and I was a beginner in ABS-CBN.

"It was my first year as ABS-CBN weather anchor, ang puntahan ko palagi sa PAGASA was Mang Tani.

"And even walang bagyo, I used to visit Mang Tani. 'Mang Tani, ano po ba itong precipitation? Ano po ba itong intertropical convergent zone? Paano ba nabubuo ang low pressure area?'

"And he would give me one-on-one lessons. He was my mentor in PAGASA before I became a weatherman."

Hindi raw niya mapapantayan ang kaalaman ni Mang Tani bilang eksperto ito.

Meteorologist si Mang Tani sa PAG-ASA mula 1983 hanggang 2010, bago ito naging resident meteorologist ng Kapuso network noong 2012.

Saad ni Kuya Kim, "Hindi ako puwede ikumpara kay Mang Tani. Apples and oranges iyan.

"Unang-una, mentor ko si Mang Tani when it comes to weather. Bossing ng PAGASA 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang kakayanan ni Mang Tani, hindi ko matutumbasan. Kailangan ko muna mag-aral sa isang unibersidad at makakuha ng doctorate sa meteorology para mapalapit kay Mang Tani.

"Ganyan kataas ang tingin ko sa mamang iyan."

COMPLEMENTARY SKILLS AND TALENTS

Ngayong magkasama na sila sa 24 Oras, naniniwala si Kuya Kim na complementary ang galing at talentong maibabahagi nila ni Mang Tani sa programa.

"Ang maibibigay ko naman ay synergystic kay Mang Tani.

"I'm looking forward to my segment on [24 Oras] kasi puwede siyang magbigay ng weather na galing sa punto de bista ng isang scientist, at puwede naman ako magbigay ng kaalaman mula sa punto de bista ng isang Kuya Kim. Bagay, di ba?

"Hindi kailangan paglabanin at di magkakalaban kailanman, kundi magsasama, magiging mas malakas together."

Si Mang Tani ay kasalukuyang nasa Australia, pero nananatiling bahagi ng 24 Oras.

Si Kuya Kim ay sinimulan ang segment na "Kuya Kim Ano Na?" sa Kapuso primetime newscast kagabi, October 11.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NO MORE "WEATHER-WEATHER LANG 'YAN" TAGLINE

Natanong din si Kuya Kim sa presscon kung madadala ba niya sa GMA-7 ang sikat na tagline niya sa TV Patrol na, "Laging tatandaan, ang buhay ay weather-weather lang."

Ayon kay Kuya Kim, may copyright ang ABS-CBN sa tagline na iyon.

"That was talked about in my old company seven years ago because I had an endorsement that used 'weather-weather lang.'

"And then it was finally settled. 'Weather-weather lang' is owned by ABS-CBN.

"Although the history of 'weather-weather lang,' that was popularized by Leo Martinez in Abangan Ang Susunod Na Kabanata."

Ang Abangan Ang Susunod Na Kabanata ay ang sikat na '90s Kapamilya sitcom na may temang political satire.

Napapikit pa si Kuya Kim habang inaalala ang karakter ni Leo, "Siya si Congressman Manhik Manaog. Siya ang nagpauso niyan."

Patuloy niya, "Then it became my tagline when I started out in ABS-CBN.

"But the name 'Weather-weather lang' is the name of the segment, so ABS-CBN owns that. Kumbaga, may copyright sila diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON BEING CALLED KUYA KIM

Pero magagamit pa rin ni Kuya Kim ang palayaw niyang "Kuya Kim."

"But the Kuya is mine. I can call myself Kuya Kim anytime," aniya.

Hindi raw niya papalitan ang kanyang branding bilang Kuya Kim kahit siya ay nasa GMA-7 na.

Paliwanag niya: "Pag tinawag mo ako ng ibang pangalan, maninibago ang tao.

"Pag tinawag mo akong Mr. Kim, parang Korean restaurant ang dating. Pag tinawag mo akong Kim lang, parang Korean actor ang dating.

"Kinasanayan ng tao yung Kuya, e. Matawag ka na Kuya, you earn it, e.

"Nang matawag ako na Kuya at dumikit, talagang blessing ni Lord yun. I would love to be called Kuya still.

"Kahit tatay ko, kuya ang tawag sa akin, kahit lolo ko, dahil kinasanayan. Hindi naman kailangan baguhin."

Si Kuya Kim ay anak ng Buhay Party-list representative at dating Manila mayor na si Lito Atienza, na tatakbong vice president sa 2022 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagkakatiwala na raw ni Kuya Kim sa GMA-7 ang pagbuo ng branding niya bilang Kapuso.

Nakangiting sabi pa ni Kuya Kim, "As far as tweaking the image, of course, the creatives of the station would be able to do that.

"Siyempre, dapat ibang Kuya Kim naman makikita nila dito, and I'm sure they have plans, and the plans will be exciting and really good.

"But the essence will be the same. The essence is the old Kuya Kim, but 2.0."

Nag-last day si Kuya Kim bilang Kapamilya at resident weatherman ng TV Patrol noong October 1.

Ipinakilala siya bilang bagong Kapuso sa 24 Oras noong October 4.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza (left) on being pitted against Mang Tani: "How can I replace my mentor? He was the one who taught me weather when I was doing my weather. I look up to him. To be able to work with him is an honor."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results