PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Minsan Pa Nating Hagkan TV Adaptation

Marco at Cristine, may nakalinya nang TV series bago pa man umamin.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2023
cristine reyes marco gumabao kissing
Cristine Reyes and Marco Gumabao, who just confirmed their relationship, will star in the TV adaptation of the 1983 Vilma Santos-Christopher de Leon movie Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram

Positibo ang mga reaksiyon ng publiko tungkol sa kumpirmasyon ni Marco Gumabao na may relasyon na sila ni Cristine Reyes.

Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”

Marami ang nagsabing bagay ang dalawa, lalo na kung ang kanilang mga physical appearance ang pagbabasehan.

Encouraging din ang "best wishes" message na natanggap ng dalawa mula sa kanilang mga kaibigan at tagahanga.

Winakasan nina Marco at Cristine ang matagal nang mga haka-hakang nagkakamabutihan sila sa pamamagitan ng kanilang magkasabay na social media post kahapon, Abril 24, 2023.

Parehong inilabas ng dalawa ang mga intimate photo nila na nilagyan ni Marco ng caption na“ You are my home and adventure all at once.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa man umamin sina Marco at Cristine tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, nauna na ang planong magtambal sila sa isang television series.

Reportedly, sina Marco at Cristine ang magbibida sa TV remake ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, ang blockbuster drama movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na nagbukas sa mga sinehan noong November 7, 1983.

Ang Viva Films ang producer ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na mula sa direksiyon ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.

Proyekto ng Viva Television ang TV adaptation ng 40-year-old movie project nina Vilma at Christopher.

Gaya ng ibang mga programa ng Viva Television—Team A, sitcom nina Jerald Napoles at Kim Molina, at Kurdapya, na pinagbibidahan din ni Marco kasama si Yassi Pressman—inaasahang mapapanood sa TV5 ang drama series nina Marco at Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes and Marco Gumabao, who just confirmed their relationship, will star in the TV adaptation of the 1983 Vilma Santos-Christopher de Leon movie Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results