PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto's Message on 'Eat Bulaga!' Birthday

Vic Sotto, idinaan sa pa-jacket ang mensahe para sa kanyang birthday.
by Jojo Gabinete
Published Apr 29, 2023
tito sotto vic sotto joey de leon eat bulaga
Sa opening ng Eat Bulaga! ngayong April 29, 2023 ay hindi binanggit ni Vic Sotto ang mga isyung kinahaharap ng kanilang programa at ng production staff. Pero sa pamamagitan ng kanyang suot na pulang jacket na may malalaking letra ng "TVJ," idineklara ng 69-year-old TV host-comedian na buong-buong at walang sinumang makapaghihiwalay sa grupo nila nina Tito Sotto at Joey de Leon.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

Ilang araw matapos ang kaliwa’t kanang tell-all interview ni former Senate President Tito Sotto sa iba’t ibang mga news organization, kabilang ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), tungkol sa mga problema sa pagitan ng produksiyon ng Eat Bulaga! at ng producer nito, ang Jalosjos family ng TAPE Inc., muling napanood nang kumpleto ang mga original host ng longest-running noontime variety show ng bansa ngayong Sabado, April 29, 2023.

Nagsama-sama muli ang tatlo para sa 69th birthday celebration ni Vic Sotto.

eat bulaga hosts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inabangan ng mga sumusubaybay sa Eat Bulaga! ang episode ngayong tanghali dahil umaasa silang maglalabas na rin ng saloobin sina Vic at Joey de Leon tungkol sa mga kontrobersiyal na pahayag at pagbubulgar ni Tito sa mga tunay na kaganapan sa Eat Bulaga! sa likod ng kamera.

Sa "media tour" ni Tito, isiniwalat niyang nagalit sina Vic at Joey sa mga pahayag ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, ang chief finance officer ng TAPE Inc., sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda na walang problema sa pera ang kompanya.

Read: TAPE's Mayor Bullet Jalosjos assures public Tito, Vic & Joey will not leave 'Eat Bulaga!'

Pinabulaanan ni Tito ang sinabi ni Jalosjos dahil, diumano, tig-P30 million ang utang ng TAPE Inc. kina Vic at Joey sa talent fees ng dalawa noong 2022.

Watch: Tito Sotto, IBINUKO ang gustong mangyari ng mga Jalosjos sa Eat Bulaga! (PART 1)

Watch: Tito Sotto sa tanong kung NALULUGI ang Eat Bulaga!: "HINDI!" (PART 2)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Watch: Tito Sotto, INILANTAD ang ginawa ng TAPE, Inc. sa kapatid na si Vic Sotto (PART 3)

Watch: Tito Sotto: Ryzza Mae, pinatatanggal; Vic at Joey handa na ring magsalita! (PART 4)

Sa kanyang pagasalita sa opening ng Eat Bulaga! ngayong tanghali ay hindi binanggit ni Vic ang mga isyung kinahaharap ng kanilang programa at ng production staff.

Pero sa pamamagitan ng kanyang suot na pulang jacket na may malalaking letra ng "TVJ," idineklara ng 69-year-old TV host-comedian na buong-buong at walang sinumang makapaghihiwalay sa grupo nila nina Tito at Joey.

“Sandali, may message muna ako. Siyempre, birthday message.

"Isa lang ang message ko ngayong birthday kong ito, eto…” sabi ni Vic bago ito tumalikod para ipakita ang bold printed TVJ letters sa kanyang suot na jacket.

“Yun na yon!” dagdag pa niya.

vic sotto jacket

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagbiro naman si Joey na magbibigay siya ng pera sa sinuman sa mga co-host ng Eat Bulaga! na kakanta ng theme song ng It’s Showtime, ang kalabang programa ng kanilang noontime show. Pero walang kumasa sa hamon niya.

Sa loob ng halos 45 minuto, iniukol sa birthday celebration ni Vic ang unang bahagi ng Eat Bulaga!.

Nagkaroon ng mini-concert ang mga host, inawit ni Vic ang mga paboritong kanta na sumikat noong dekada '70 na isinulat nila nina Tito at Joey.

Pero ang pag-awit nila ng theme song ng Eat Bulaga! na pagpapakita ng kanilang pagkakaisa at malalim na samahan ang tumatak sa manonood na patuloy na nakaabang sa mga susunod na kabanata.

Interesado ang lahat na malaman kung malulutas ang problema sa pagitan ng mga original host ng programa at ng TAPE, Inc.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa opening ng Eat Bulaga! ngayong April 29, 2023 ay hindi binanggit ni Vic Sotto ang mga isyung kinahaharap ng kanilang programa at ng production staff. Pero sa pamamagitan ng kanyang suot na pulang jacket na may malalaking letra ng "TVJ," idineklara ng 69-year-old TV host-comedian na buong-buong at walang sinumang makapaghihiwalay sa grupo nila nina Tito Sotto at Joey de Leon.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results