PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs on 'Hello, Universe!' topping Netflix

'Hello, Universe!' director Xian Lim, may cameo appearance din sa pelikula.
by Jojo Gabinete
Published Apr 30, 2023
janno gibbs hello universe
Janno Gibbs: “Nagulat ako na nag-number one sa Netflix ang Hello, Universe!. Hindi ko talaga inaasahan. But I’m grateful dahil from the start, proud ako sa little movie namin."
PHOTO/S: Viva Films

Eksaktong isang taon na ang nakararaan buhat nang maging numero uno sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines, noong huling linggo ng Abril 2022, ang Philippine adaptation ng South Korean action-thriller movie na Hard Day.

Pinagbidahan ito ni Dingdong Dantes at co-star niya rito si Janno Gibbs, na kabilang sa mga natuwa noon dahil tinangkilik ng Netflix Philippines subscribers ang pelikula nila.

Makalipas ang isang taon, muling nagkaroon ng déjà vu na pakiramdam si Janno dahil number one uli sa Netflix Philippines sa buwan ng Abril ang isang Philippine-made movie, ang Hello, Universe!.

Read: Pelikula ni Janno Gibbs na idinirek ni Xian Lim, No. 1 sa Netflix; 'Maria Clara At Ibarra,' 12 days nang No. 1 TV show

Ang kaibahan lang, orihinal na pelikulang Pilipino ang Hello, Universe! at mismong siya ang bida.

Isang malaking sorpresa para kay Janno ang mainit na pagtanggap ng Netflix viewers sa pelikula niya na unang ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 25, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hello, Netflix! Just to be in Netflix, dream come true na for me na magkaroon ng movie na pinagbibidahan ko.

“Nasa Netflix din ang Hard Day kung saan maganda naman ang role ko but I’m not the bida,” sabi ni Janno sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files noong Sabado ng gabi, Abril 29, 2023.

“Nagulat ako na nag-number one sa Netflix ang Hello, Universe!. Hindi ko talaga inaasahan.

"But I’m grateful dahil from the start, proud ako sa little movie namin.

“Kudos to Direk Xian Lim for the story and direction at higit na nagpapasalamat ako kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films for trusting me with the role.

“The movie is about ‘What if?’ E, what if nag-number one ang movie mo sa Netflix? Sobrang saya!” tuwang-tuwang reaksiyon ni Janno tungkol sa Hello, Universe!, na puwedeng magkaroon ng sequel at nagpatunay na may kakayahan si Xian na gumawa ng isang comedy movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang si Xian ang sumulat ng kuwento at direktor ng Hello, Universe! dahil dalawang beses ang cameo appearance niya sa pelikula ni Janno.

Una, bilang sports commentator na hindi agad makikilala o mamumukhaan dahil binago ni Xian ang physical appearance niya sa pamamagitan ng paggamit ng fatsuit. Pangalawa, siya ang nahulog sa dagat na kasamahan sa trabaho ng karakter na ginampanan ni Janno.

xian lim hello universe

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs: “Nagulat ako na nag-number one sa Netflix ang Hello, Universe!. Hindi ko talaga inaasahan. But I’m grateful dahil from the start, proud ako sa little movie namin."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results