Magandang-maganda at bumalik na ang movie-star looks ni Claudine Barretto nang makita namin siya sa GMA Network compound para sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda.
Kasama ng aktres ang kanyang mga anak na sina Sabina, Quia at Noah.

Nagpasalamat si Claudine nang punahin namin ang pagpayat at ang magandang mukha niya.
Ayon sa aktres, ito ay resulta ng intermittent fasting—isang eating pattern kung saan naka-schedule ang pagkain ng meals at pagpa-fasting.
Ang nakakagulat na transformation ni Claudine ang dahilan kaya nakatanggap siya ng text message mula sa kanyang kapatid na si Gretchen Barretto noong nakaraang linggo.
Nakasaad dito: “I am proud of you. You’re getting your life back and all…”
READ: Claudine Barretto denies PHP500K monthly allowance from sister Gretchen
Sa Fast Talk With Boy Abunda na umere ngayong Biyernes, May 5, 2023, isa sa mga itinanong kay Claudine, sa muling pagyapak nito sa bakuran ng GMA-7, ay ang kanyang kasalukuyang relasyon sa mga ate niyang sina Gretchen at Marjorie Barretto.
Pinagpistahan ang hidwaan ng Barretto sisters noong October 2019 nang sumakabilang-buhay ang kanilang ama na si Miguel Barretto.
READ: Claudine at Marjorie Barretto, nagkasakitan sa burol ng kanilang ama
READ: Gretchen at Marjorie Barretto, nagkumprontahan sa burol ng kanilang ama?
Sabi ni Claudine tungkol kay Gretchen: “She never left my side. We don’t get to spend time all the time, but the words of wisdom, her being there, kahit thru phone lang, ang dami kong natutunan... Dada [Tonyboy Cojuangco], Atong [Ang],”
Ang "Dada" na tinutukoy ni Claudine ay ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco. Si "Atong" naman ay ang negosyanteng si Atong, na malapit din kay Gretchen.
Read: Claudine Barretto keeps close ties with Gretchen despite improved relationship with Marjorie
Tungkol naman kay Marjorie, sinabi ni Claudine na bagamat nagkikita sila sa family gatherings ay hindi pa rin sila talaga nakakapag-usap.
“As for Marjorie, we don’t really get to talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, dinners, merienda with family.
“We have a big family. We did small talk. That’s good. That’s good enough,” pahayag ni Claudine.
READ: Claudine Barretto, sinagot ang tanong kung magkabati na sila ng kapatid na si Marjorie
Si Marjorie ang ina ng pamangkin ni Claudine na si Julia Barretto, na ipinagmamalaki niya nang husto.
READ: Julia Barretto apologizes to late grandfather for the "circus" at his wake
“We’re good. She’s very busy, I’m very busy,” sagot ni Claudine nang kumustahin ni Boy Abunda ang relasyon niya kay Julia.
“I think the last time I saw her was around March before her birthday.
"Kapag may family events kami, may birthday sa bahay ng Kuya Mito ko, we see each other.
“We saw each other when we watched ZsaZsa Zaturnnah. Julia was there also.
“I am very very proud. I’ve seen Expensive Candy [Julia’s movie ]…
"I’m very proud not only of Julia but all my nieces. They grew up with me. Sila yung bitbit-bitbit ko kahit saan and I’m proud of whatever she’s achieving now.
“I would just want her to have more breaks para ma-showcase yung acting niya.”