Matutuloy na ang paglipat ni Matteo Guidicelli sa GMA Network.
Nakatakda sa darating na Huwebes, Mayo 11, ang pagpirma niya ng kontrata sa Kapuso Network sa Huwebes, Mayo 11, 2023.
Read: Matteo Guidicelli, matutuloy na ang paglipat sa GMA-7
Unang iniulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Agosto 9, 2022 ang kumpirmadong paglipat ni Matteo sa GMA-7, at magiging miyembro siya ng pamilya ng Unang Hirit, ang longest-running morning show ng bansa.
Read: Matteo Guidicelli, kumpirmado na ang paglipat sa GMA-7
Hindi nangyari ang pagiging Kapuso ni Matteo bago matapos ang Agosto 2022 dahil siya ang pansamantalang ipinalit kay Billy Crawford bilang co-host ng Tropang LOL, ang late morning variety show ng TV5.
Read: Tropang LOL, tumaas ang rating sa bago nitong timeslot
Matagal na hindi napanood si Billy sa Tropang LOL dahil nagpunta siya sa France para maging contestant ng Danse avec les stars, ang French version ng Dancing with the Stars.
Si Matteo ang humalili sa kanya sa programa na nagpaalam sa telebisyon noong April 29, 2023.
Read: Tropang LOL, pormal nang nagpaalam sa ere
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang planong paglipat ni Matteo sa Kapuso Network dahil nakikita sa social media ang mga larawan ng pakikipagpulong niya at ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment sa mga executive ng GMA Network.
Ang Viva Artists Agency ang namamahala sa entertainment career ni Matteo.
Ilang beses namataan ang aktror na nakikipag-usap sa GMA Network at GMA Public Affairs executives na kumpirmasyon ng pagkakaroon ng bagong kabanata sa buhay niya bilang showbiz personality.