Muling naungkat ang balitang lilipat ang Viva Artists Agency exclusive contract star na si Matteo Guidicelli sa GMA-7 dahil sa larawang inilabas niya sa social media.
Read: Matteo Guidicelli, makakasama na ni Sarah Geronimo sa Viva
Kasama ni Matteo sa larawan ang Viva Entertainment bosses na sina Boss Vic del Rosario at Vincent del Rosario, si GMA-7 executive Annette Gozon-Valdes, at iba pa.

Reportedly, matutuloy na ang paglipat ni Matteo sa Kapuso network.
Mapapanood siya sa Unang Hirit bilang men’s health and fitness correspondent. Bagay na bagay ito sa kanya dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na health buff ang 32-year-old actor.
Unang ibinalita ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong August 9, 2022 na magkakaroon ng partisipasyon sa Unang Hirit. si Matteo.
Read: Matteo Guidicelli, kumpirmado na ang paglipat sa GMA-7
Hindi ito nangyari dahil siya ang pansamantalang pumalit kay Billy Crawford bilang co-host ng Tropang LOL, ang pre-noontime variety show na napapanood sa TV5 at sa Kapamilya Channel.
Lumipad si Billy sa Paris, France dahil contestant siya sa Danse avec les stars, ang French edition ng Dancing with the Stars.
Read: Billy Crawford wins French edition of Dancing With The Stars
Samantala, ibinalita ni Boy Abunda sa Monday episode ng Fast Talk with Boy Abunda na aalis si Matteo at ang asawa nitong si Sarah Geronimo ngayong gabi, February 6, dahil magbabakasyon ang dalawa bilang pagdiriwang sa ikatatlong anibersaryo ng kanilang pagpapakasal.
Naganap ang civil wedding nina Sarah at Matteo sa Victory Church sa Bonifacio Global City noong February 20, 2020. Ginanap naman ang kanilang pinag-usapan at kontrobersiyal na wedding reception sa Ministry of Crab sa Shangri-La The Fort, Taguig City.
Read: Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli are now married; Matteo allegedly punched Sarah's bodyguard