PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo & Marco Gallo: Film & TV

Heaven Peralejo, kritiko ng sariling pagganap.
by Jojo Gabinete
Published May 11, 2023
heaven peralejo marco gallo the rain in espana
Marco Gallo on The Rain In España co-star Heaven Peralejo: “She’s so good at this. She knows where she needs to drop her tear.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Humarap sina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa mga miyembro ng entertainment press para personal na magpasalamat dahil sa tagumpay ng The Rain in España, ang romance-drama series na pinagbibidahan nila na nag-umpisang mapanood sa Viva One streaming platform noong May 1, 2023.

Read: Pagbibida nina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa "The Rain in España," trending sa social media

Ibinalita ng dalawa na tuwing Linggo, simula sa May 14, 2023, 4 p.m., matutunghayan na rin ang ten-part mini series sa TV5.

Ayon kay Heaven, lumalim ang pagiging magkaibigan at lalong nakilala nila ni Marco ang isa’t isa nang magsama sila sa The Rain in España na masusundan ng The Ship Show, ang pelikulang kanilang pangungunahan at mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Limang beses pinanood ni Heaven ang pilot episode ng The Rain in España, at ipinagtapat niyang kritiko siya ng sarili pagdating sa pag-arte dahil sa kanyang mga napupuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Definitely, siguro kung naiba yung boses or like sa movements. Pero minsan, habang pinapanood ko, hindi ko alam, parang ako pala yon.

"So, nakakatuwa na nasu-surprise pa rin ang sarili ko kasi kapag tina-try ko sa bahay, parang hindi siya real,” kuwento ni Heaven.

Pamilyar sa karakter na ginampanan nito bilang UST student dahil kinunan sa España Boulevard ang ilang mga eksena ng mini-series nila at may kaibigan siyang nag-aaral sa naturang unibersidad na dinadalaw niya noon sa tinutuluyang dormitoryo.

“Some scenes kinunan talaga sa España. Yung best friend ko taga-USTe po siya. So, noon, pinupuntahan ko siya sa dorm niya.

“Nagkaroon din ako ng experience kumbaga [sa España]. Artista na ako noon pero yung friend ko, estudyante,” ani Heaven.

Gaya ni Heaven, pinanonood ni Marco ang lahat ng mga pelikula at TV series na kasali siya dahil gusto niyang makita ang kanyang pagganap.

“I wanna watch. I wanna see if I look stupid while saying something coz sometimes you think you look good when you’re saying something, but actually no because you open your mouth… it’s too big.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And that’s why they say acting on screen is so technical at the same time because it’s not just about emotions,” paliwanag ni Marco.

Saludo raw si Marco sa acting ability ni Heaven.

“She’s so good at this. She knows where she needs to drop her tear,” papuri ni Marco sa kapareha at love interest niya sa The Rain in España.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gallo on The Rain In España co-star Heaven Peralejo: “She’s so good at this. She knows where she needs to drop her tear.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results