PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, "no comment" sa engagement ng ex-partner na si LJ Reyes

LJ Reyes, nakahanap na ng bagong pag-ibig sa New York.
by Jojo Gabinete
Published May 30, 2023
paolo contis lj reyes philip evangelista
Tanggap ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang katotohanang magsalita man siya o hindi tungkol sa engagement ng dating live-in partner na si LJ Reyes, tiyak na may masasabing hindi maganda ang bashers na paborito siyang “pulutan.”
PHOTO/S: @paolo_contis / @lj_reyes on Instagram

"No comment" ang reaksiyon ni Paolo Contis sa balitang engaged na ang kanyang ex-live-in partner na si LJ Reyes sa boyfriend nitong si Philip Evangelista.

Read: LJ Reyes is now engaged to non-showbiz boyfriend Philip Evangelista

Nasa shooting ngayon si Paolo ng bagong proyekto niya nang abalahin namin siya at tanungin sa kanyang masasabi tungkol sa engagement nina LJ at Philip.

Nauunawaan namin ang "no comment" na sagot ni Paolo.

Tanggap ng Kapuso actor ang katotohanang magsalita man siya o hindi, tiyak na may masasabing hindi maganda ang bashers na paborito siyang “pulutan.”

Tumagal ng anim na taon ang relasyon nina LJ at Paolo.

Nagkaroon sila ng isang anak na babae, si Summer Ayanna, na isinilang noong January 4, 2018.

Noong August 2021, kinumpirma ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo, kasunod ang paglipad nila ng kanyang mga anak na sina Aki at Summer sa New York City.

Si Aki ang anak ni LJ sa aktor na si Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: LJ Reyes alludes to money issue, third party in breakup with Paolo Contis

Noong January 2023, inamin ni Paolo sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda na may relasyon sila ni Yen Santos, na matagal nang pinaghihinalaang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ.

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

Nagkakilala at nabuo ang relasyon nina Yen at Paolo nang magkasama sila sa A Faraway Land, ang pelikulang kinunan ang mga eksena sa Faroe Islands ng Kingdom of Denmark mula November hanggang December 2020.

Read: Paolo Contis confirms birthday date with Yen Santos; are they now more than friends?

Walang alam ang publiko tungkol sa pagkatao ng fiancé ni LJ dahil pribado ang Instagram account nito.

Pero tila kapalaran na ng aktres na magkaroon ng relasyon sa mga lalakeng nagsisimula sa letrang P ang pangalan—mula kay Paulo Avelino, Paolo Contis, at ngayon, kay Philip Evangelista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanggap ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang katotohanang magsalita man siya o hindi tungkol sa engagement ng dating live-in partner na si LJ Reyes, tiyak na may masasabing hindi maganda ang bashers na paborito siyang “pulutan.”
PHOTO/S: @paolo_contis / @lj_reyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results