Umabot na sa pitong milyon ang bilang ng subscribers ng Vivamax, ang online video streaming site ng Viva Communications.
Kaugnay nito, isang thanksgiving press conference ang ginanap sa Viva Café, Araneta City, Cubao, Huwebes ng gabi, June 1, 2023.
Personal na pinasalamatan nina Viva Studio President Val del Rosario at Viva Communications President/CEO Vincent del Rosario ang publiko at ang mga miyembro ng entertainment press dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga proyekto.
Ayon kay Val, may pinakamataas na bilang ng Vivamax subscribers sa Middle East at sa North America. Patunay itong sabik na sabik ang mga kababayan natin sa ibang bansa na mapanood ang mga pelikulang Pilipino.
Si Val ang producer ng Viva One series na The Rain in España, na napapanood din tuwing Linggo sa TV5, at ng television remake ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, ang 1983 Viva Films movie nina Christopher de Leon at Vilma Santos.
Sina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang mga bida sa Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.
Sabi ni Val, nabuo ang proyekto bago pa man ipinagtapat ng dalawa sa publiko ang relasyong namamagitan sa kanila.
Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”
Kabilang sa upcoming projects na mapapanood sa Viva One ay ang original series na pinagbibidahan ni Nadine Lustre na may titulong Roadkillers, at Kidnap for Romance na tinatampukan nina Cristine Reyes at Empoy Marquez
Samantala, magpapatuloy ang Vivamax sa paggawa ng mga sexy movie na may mga nakakaintrigang pamagat.
Kabilang dito ang Hosto, Japino, Burlesk, Secret Campus, Call Me Alma, Rita, Bugaw, Tayuan, Choosy[e] Me, Ben and Ana, Erotica Manila 2, Litsoneras, Kamadora, Mamalakaya, Hilom, Tuhog, High On Sex 2, Sex Hub, Broken Desire, Kahalili, Star Dancer, Ilang, Amok, Punit na Langit, Legit, Hugot, Home Service, Sex Hurts, Bedspacer, Ahasss, at Totoy Mola 2.
Ibig sabihin, tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino ang mga sex-oriented movie kaya patuloy na nadaragdagan ang listahan ng mga baguhang sexy stars.