PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Barretto, pangarap makabalik sa pag-aaral bago mag-30 years old

What college course would Julia like to pursue?
by Jojo Gabinete
Published Jun 11, 2023
Julia Barretto
Julia Barretto on going back to school: "I think yun ang pinakagusto ko talagang gawin ngayon. If makaka-find ako ng perfect way na huwag magsabay yung shooting at saka yung pag-aaral, ang perfect na talaga nang lahat."

Ang makabalik sa pag-aaral at makatapos ng kolehiyo bago siya tumuntong ng 30 years old ang pangarap ni Julia Barretto.

Psychology, Drama, o Business ang mga kursong pinagpipilian ng 26-year-old actress.

Malaki ang impluwensya kay Julia ng kanyang mga kapatid na sina Claudia at Leon kaya desidido siya na muling mag-aral.

"Yung mga kapatid ko kasi si Claui, kaka-finish lang, sa Ateneo siya last year. Si Leon is third year. He’s taking up business marketing.

"So naririnig ko yung college stories nila and I’m just dreaming for the day na ma-experience ko rin," sabi ni Julia.

Nakausap siya ng Cabinet Files sa media conference ng Will You Be My Ex?, ang pelikulang pinagbibidahan niya at mapapanood sa mga sinehan simula sa June 21.

Nang tanungin kung saan niya plano na mag-aral, "sa abroad" ang sagot ni Julia.

"Sana hindi dito. Sana abroad. Maganda kasing ma-experience yung college na physical, di ba? Magkakaroon ka ng college friends, professor. Ang gandang pakinggan ng stories nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It depends kung saan ako mag-e-end up mag-aral. So kung anuman yung perfect sa school na mag-e-end up ako, happy na ako. Sana makapag-aral talaga ako.

"Sana before mag-thirty ako. Kahit short course lang, happy na ako.

"Kaya ituluy-tuloy na natin ang shooting para habang lumalabas [ang movies], nag-aaral ako.

"I really wanna go back to school. Gustung-gustung-gustung-gusto ko talagang mag-college. I really wanna study.

"I think yun ang pinakagusto ko talagang gawin ngayon. If makaka-find ako ng perfect way na huwag magsabay yung shooting at saka yung pag-aaral, ang perfect na talaga nang lahat.

"Thank you Lord, pero igo-goal ko talagang magawa yan."

HIGHLIGHTS OF HER CAREER

Anim na taon si Julia nang magsimula ang acting career nito sa ABS-CBN, pero huminto siya noong siya ay 11 years old.

Iyon daw ang payo sa kanya noon ni Johnny Manahan, o kilala rin sa showbiz bilang Mr. M, ang dating head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I did my first show when I was six years old up until I was eleven.

"Then I went back nung 15 ako kasi nga si Mr. M, pinahinga muna ako kasi nga nasa awkward stage ako."

Julia Barretto

Sakto raw ang pagbabalik-showbiz ni Julia dahil sunud-sunod ang magagandang proyektong natanggap niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Balik-tanaw ni Julia: "Hindi mawawala diyan ang Mirabella [2014], which is my first teleserye coming back.

"Hindi ko makakalimutan si Vince & Kath & James [ 2016], Love You to the Stars and Back [2016].

"Hindi ko rin makakalimutan ang Between Maybes [2019] because that was my first film as an independent actress.

"[It was] my first film outside of the love team which also inspired me to create more films with different actors and be open to different opportunities and stories kasi iba yung pakiramdam."

Ang mga sumunod na proyekto ni Julia ay sa iba-iba ng leading man.

Pahayag pa niya: "Kung ma-e-explain ko lang talaga sa inyo yung feeling of just taking that leap of faith, it’s amazing.

"And of course Expensive Candy [and] itong mga gagawin natin soon, I'm very much excited for it."

ON MEMORABLE DANCE SCENE WITH GERALD

Nang itanong namin kung isinayaw na ba uli nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson ang "Dayang-Dayang," hindi napigilan ni Julia na matawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa iyon sa mga nakakaaliw na eksena sa Between Maybes, ang pelikula na instrumento sa pagsisimula ng kanilang relasyon sa tunay na buhay.

Sabi ni Julia, "'Dayang-Dayang,' yung funny dance? Oo nga ano, hindi pa! In real life? Hindi pa.

"Actually, baka mamaya ire-request ko sa kanya. Good idea!"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on going back to school: "I think yun ang pinakagusto ko talagang gawin ngayon. If makaka-find ako ng perfect way na huwag magsabay yung shooting at saka yung pag-aaral, ang perfect na talaga nang lahat."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results