PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaclyn Jose, inaming nakaranas na siya ng "deadly love"

Jaclyn Jose, hindi nang-i-intimidate ng mga baguhang artista.
by Jojo Gabinete
Published Jun 21, 2023
jaclyn jose deadly love
Jaclyn Jose on working with newbie stars: “Kailangan nating magtulungan. Kung hindi, hindi tayo matatapos. What’s the point of intimidating our co-actor for the sake of it? Ang sa akin, kailangan mapalapit ang loob nila sa akin para magkaroon ng chemistry. Para makapagtrabaho nang mabuti."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Jerry Olea

Inamin ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na nakaranas na siya ng "deadly love."

Hindi sinabi ni Jaclyn ang pangalan ng dating karelasyon na kanyang tinutukoy, pero tumakas daw siya para makawala sa isang abusive relationship.

“Oo, naka-experience ako. Nakakatakot na kabanata sa buhay ko regarding love.

“Deadly love talaga, but it’s all done now, everything’s done. Maraming-maraming panahon na ang nakalipas so naka-recover na tayo, but it happened to me.

“It was very, very scary but kailangan mong tumakas... nakatakas naman,” rebelasyon ni Jaclyn sa media conference ng Viva One suspense-thriller series na Deadly Love nitong Martes ng hapon, June 20, 2023.

Ayon sa aktres, minsan lang itong nangyari sa kanya at hinding-hindi na niya hahayaang maulit.

“It’s a matter of life and death. Parang U.S. visa lang, ‘no? Aalis ka na, tatapusin mo na.

“Ayoko nang i-elaborate kung anong klase but it’s a matter of life and death in any form,” pagpapatuloy ng kuwento ng aktres na kauna-unahang Pilipino na nanalong best actress sa Cannes Film Festival noong May 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Sina Marco Gumabao, Louise delos Reyes, at McCoy de Leon ang mga co-star ni Jaclyn sa Deadly Love, na mapapanood sa Viva One streaming site at magkakaroon ng world premiere sa July 10, 2023.

"Not all," paglilinaw ni Jaclyn sa tanong kung nadidismaya siya sa mga baguhang artistang natatakot o intimidated sa kanya dahil isa siya sa mga pinakamahuhusay na aktres sa Pilipinas.

Read: Jaclyn Jose, naranasang sindakin ng sikat na sexy stars noon

Saad niya, “Ako naman, siyempre alam ko maraming mga bata, yung mga nag-i-start talaga, I make sure na hindi ko sila mai-intimidate.

"Kaya kinukuha ako ng Viva palagi kasi alam ni Boss Vic [del Rosario] na inaalagaan ko yung mga alaga niya.

“Kailangan nating magtulungan. Kung hindi, hindi tayo matatapos. What’s the point of intimidating our co-actor for the sake of it?

“Ang sa akin, kailangan mapalapit ang loob nila sa akin para magkaroon ng chemistry. Para makapagtrabaho nang mabuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ako yung tipo ng artista o beterana na naninindak o pagdating pa lang sa set, hindi mo na malalapitan.

“Ako pa yung lumalapit kasi walang mangyayari sa shooting kapag may ilangan. I make sure na ang mga bago, kahit sa Vivamax, ang mga anak-anakan natin diyan na mga bagong artista, palagi kong ipinaparamdam sa kanila na pare-pareho lang tayo.

“Hindi ako nang-i-intimidate ng co-actor. That’s a no-no for me kasi gusto ko may chemistry, may rapport, may tulungan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose on working with newbie stars: “Kailangan nating magtulungan. Kung hindi, hindi tayo matatapos. What’s the point of intimidating our co-actor for the sake of it? Ang sa akin, kailangan mapalapit ang loob nila sa akin para magkaroon ng chemistry. Para makapagtrabaho nang mabuti."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results