PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, nagbubulag-bulagan lamang sa pagtataksil ng mister?

Mister ng aktres, pinagtatakpan ng mga kaibigan ang relasyon sa ibang babae.
by Jojo Gabinete
Published Jul 20, 2023
blind item
Usap-usapan ang pagtataksil ng mister ni aktres, na pinagdududahang alam nito ang nangyayari pero nagbubulag-bulgan siya.
ILLUSTRATION: Igi Talao

Pinag-uusapan na ng mga tao sa paligid ng aktres ang pagkakaroon ng relasyon ng kanyang asawa sa ibang babae.

Kilala ang mister ng aktres sa mundo na ginagalawan nito, pati na ang babaeng kinahuhumalingan niya.

Pero pilit na pinagtatakpan ng mga kaibigan ang bawal na relasyon ni asawa at ng ibang babae.

Read:

Diumano, madalas na nililibang ang aktres ng isang kontrobersiyal na kaibigan nito na nakakaalam sa illicit affair ng asawa para hindi siya manghinala.

Pero may mga nagsasabing imposibleng hindi alam ng aktres ang pagtataksil na ginagawa ngasawa dahil alam na ito ng maraming tao.

May mga dudang maaaring nagbubulag-bulagan siya sa katotohanan para manatiling maayos at buo ang kanilang pamilya.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang lihim na hindi nabubunyag, lalo na kung mga kilalang personalidad ang sangkot.

Sooner or later, pinaniniwalaang bigla na lamang sasambulat sa publiko ang pagsubok na pinagdaraanan ng aktres dahil sa pagkakamali ng mister niyang nangako noong magiging tapat sa kanya at magsasama sila “for better or worse, in sickness and in health.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Usap-usapan ang pagtataksil ng mister ni aktres, na pinagdududahang alam nito ang nangyayari pero nagbubulag-bulgan siya.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results