GORGY RULA
Uso pa rin pala ang ex-deal sa events ng kilalang celebrities.
Iyan daw ang pinagkakaabalahan ngayon ng Byuting Aktres para sa nalalapit niyang kasal sa non-showbiz fiance.
Kahit puno ang schedule ni Byuting Aktres sa ginagawa niyang soap opera, naiisingit niya ang preparations para sa naka-schedule na bonggang wedding niya bago matapos ang taong ito.
Nalaman ng ilang mga nakatrabaho ng Byuting Aktres na kinuha niya ang isang supplier na madalas na ginagamit sa events, kagaya ng kasal, binyag, debut, at marami pa.
Sa totoo lang, hindi na kailangang makipag-ex-deal ni supplier dahil sikat na ang produkto niya, at hindi na kailangang i-promote.
- Aktres, nagbubulag-bulagan lamang sa pagtataksil ng mister?
- Aktres, namamalimos ng pag-ibig sa ex-boyfriend
Pero na-convince ni byuting aktres si supplier kaya pumayag ito.
Kinakarir daw talaga ni Byuting Aktres na makalibre sa ibang mga kailangan para sa kasal niya.
Nagtanong sa amin ang staff na katrabaho ni Byuting Aktres kung talagang mayaman ba ang mapapangasawa nito. Sinabi ko namang ang dinig ako ay napakayaman nito.
Pero likas daw makunat itong si Byuting Aktres.
Kaya kung saan ang libre, iyon ang susunggaban niya.
Kilala na raw ito ng ilang katrabaho niya na kuripot kaya hindi na sila nagtataka bakit aligaga sa pakikipag-ex-deal para sa kanyang kasal.
Read:
- Anak ni happily married actress, kahawig ni '90s hunk?
- Guwapong leading man at magandang lead actress, nahuling "nagpa-practice" ng kissing scene off cam
JERRY OLEA
May iba pa tayong narinig na kuwento ng kakuriputan nitong si Byuting Aktres.
Nawindang daw minsan ang make-up artist ng isang teleserye na kinabibilangan nito.
Nakita raw ni Byuting Aktres na maganda ang make-up brand na ginagamit sa kanya ng production. Hiningi raw niya kay make-up artist yun.
Tutal, sa kanya lang naman daw ginagamit ang naturang make-up dahil may sariling gamit naman ang ibang artista kaya ibigay na lang daw ito sa kanya.
Nagsumbong na raw si make-up artist sa production staff na gustong harbatin ni Byuting Aktres ang make-up.
Parang nahiya na raw silang tumanggi kaya ibinigay na lang.
Kahit daw ang gas at toll fee ay sinisingil daw ni Byuting Aktres sa production kapag may out-of-town ang taping nila.
Read:
- Dalawang aktres at dalawang starlet, balik "pa-booking"
- TV personality, nega star sa production; nambubulyaw sa convenience store
NOEL FERRER
My God, heto na naman tayo! Meron ding ganito dati na ultimo pagkain sa wedding ay major discount ang ex-deal, pati venues at invitations ay ipinasagot sa iba.
Kumikita pa yung iba dahil may TV rights pa sa wedding coverage.
Ang running joke diyan ay hintayin natin ang traje de boda nitong binibining ito at baka katulad lang ng souvenir program ng awards night, sino ang may colored full page ad, at sino ang black and white, half page, co-presentor, major at minor sponsors. Hahaha!!!
Best wishes sa couple na ito! Mukhang hindi lang sila gagastos, kikita pa sila sa wedding nilang ito!!!
