PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert's Reason for Herlene Budol

Cryptic posts ni Wilbert Tolentino, patungkol kay Herlene Budol?
by Jojo Gabinete
Published Jul 24, 2023
herlene budol wilbert tolentino
Ayon sa isang source, bago pa man naganap ang Miss Grand Philippines 2023 grand coronation ay desidido na si Wilbert na mag-resign bilang business manager ni HerleneBudol. Pero hindi niya itinuloy.
PHOTO/S: Pau Guevarra / Wilbert Tolentino Facebook

Sa kabila ng pagre-resign ni Wilbert Tolentino bilang manager ng Magandang Dilag star na si Herlene Budol, umaasa ang mga tao sa kanilang paligid na magbabago ang desisyon niya dahil likas umano sa kanya ang pagkakaroon ng malambot na puso.

Read: Wilbert Tolentino resigns as Herlene Budol's talent manager hours after posting cryptic messages

Ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang kalusugan ang ibinigay ni Wilbert na isa sa mga dahilan kaya binitiwan niya ang pamamahala sa showbiz career ni Herlene, pero marami ang kumbinsidong may higit na malalim na rason.

Isang nakakaalam sa kuwento ang nagsabing bago pa man naganap ang Miss Grand Philippines 2023 coronation night sa Mall of Asia Arena noong July 13, 2023, desidido na si Wilbert na mag-resign bilang business manager ni Herlene. Pero hindi niya itinuloy.

Read: Herlene Budol's reaction after winning Miss Philippines Tourism 2023 crown

Ilang araw bago idinaos ang Miss Grand Philippines, naging palaisipan sa social media followers ang mga cryptic post ni Wilbert noong July 8:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakadala tumulong sa tao na indi marunong mag-value sa taong may pagmamalasakit and worst ay ungrateful asak pinapakita at laging pabalang sumagot.

“Ang ugali mo d ka magtatagal sa industria sa asal na meron ka ! Kht saan ka pa lumipat at kung di ka nagbago, binitbit mo lang problema mo sa bago mong pakikisamahan.

“Sorry at indi ko na kaya e-defend pag-uugali at cover up ang tunay mong kulay. Nakakalungkot sabihin pero real talk po ito.”

wilbert tolentino tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakarating sa Cabinet Files ang impormasyon na, diumano, may insidenteng pinagalitan ni Herlene ang mga tauhan ni Wilbert na ikinasama ng loob ng talent manager.

Malaki umano ang pagpapahalaga at respeto sa kanyang mga empleyado kaya nag-isip siya noong magbitiw bilang manager ng Magandang Dilag lead actress.

Hula ng mga taong nakabasa ng post ni Wilbert ay si Herlene ang tinutukoy ng intriguing post niya, pero nabura ang kanilang mga hinala dahil sumipot ang talent manager sa coronation night ng Miss Grand Philippines para bigyan ng moral support ang kanyang alaga.

Muling nauungkat ang kuwento na maaaring may katotohanan ang mga haka-hakang nagbago na ang ugali ni Herlene dahil sa mga mabibilis na pangyayari sa kanyang buhay.

Posibleng ito ang dahilan kaya itinuloy ni Tolentino ang pagbibitiw sa pamamahala sa showbiz career ng dalaga, na hinihintay ang pagsasalita tungkol sa bagong isyung kinasasangkutan niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang source, bago pa man naganap ang Miss Grand Philippines 2023 grand coronation ay desidido na si Wilbert na mag-resign bilang business manager ni HerleneBudol. Pero hindi niya itinuloy.
PHOTO/S: Pau Guevarra / Wilbert Tolentino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results