PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mariel Rodriguez returns to GMA-7

Mariel Rodriguez, sinabi noong "baduy sa GMA."
by Jojo Gabinete
Published Aug 1, 2023
mariel rodriguez fast talk
Former Kapamilya host Mariel Rodriguez guested on GMA-7's 'Fast Talk With Boy Abunda,' her first appearance on the Kapuso network after more than two decades. Meanwhile, some netizens reposted clip of Mariel's conversation with Megan Young (right) on Pinoy Big Brother in 2007, where Mariel was caught saying "baduy sa GMA."
PHOTO/S: GMA Network / YouTube

Makalipas ang halos dalawang dekada, muling nagbalik si Mariel Rodriguez sa GMA-7 dahil siya ang panauhin sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, July 31, 2023.

Tagumpay ang pagbabalik ni Mariel sa Kapuso Network dahil bukod sa mataas ang rating ng kanyang guesting, naaliw nang husto ang manonood sa live selling na ginawa nila ni Boy Abunda sa programa nito.

Ang paglabas ni Mariel sa Fast Talk with Boy Abunda ang nagpaalala sa mga manonood na naging co-host si Mariel ng Extra Challenge noong nagsisimula pa lamang ang kanyang TV career.

Ang Extra Challenge ang top-rating reality competition show ni Paolo Bediones sa GMA-7.

Kabilang sa mga napag-usapan nila ni Boy ang sandaling partisipasyon ni Mariel sa programa na namayagpag nang husto mula 1999 hanggang 2006.

Bukod dito, muli ring sumagi sa isip ng mga matatalas ang memorya ang insidenteng nangyari sa sa isang episode ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong October 18, 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dokumentado ang eksena dahil sa lumang video ng pag-uusap ni Mariel at ng PBB ex-housemate na si Megan Young na inilagay sa TikTok ng netizens na mahihilig sa intriga.

Ito ay para ipaalaala ang sinabi noon ni Mariel na “baduy” ang GMA-7 kaya hindi madaling burahin ang nakaraan kahit natuto na ng leksiyon ang mga personalidad na sangkot sa isyu.

Read: Mariel Rodriguez caught saying "baduy sa GMA"

Mapapanood sa video na inaayos ni Mariel ang buhok ni Megan.

Pinag-usapan ng dalawa ang pagiging kapwa nila pagsisimula sa GMA-7. Si Megan ay produkto ng StarStruck Season 2, ang reality-based artista search ng Kapuso network.

Sabi ni Megan, “Grabe, sobrang nag-iba ang hitsura ko, yun nga, since nag-start ako. Nung nag-StarStruck ako sobrang payat…”

Sabi naman ni Mariel, “Alam mo, parang better ka na naman now kaysa noong mga days na yon. Kasi baduy sa GMA, aminin na natin. Come on, it’s true, di ba?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Apparently, ikinagulat din ni Mariel ang kanyang sinabi kaya nagsalita siya ng “Sh*t, baka naririnig ako, ito na naman ako.

“Pero malay mo sa 24/7, akala nila wholesome ang mga ginagawa natin, nagplaplantsa biglang… Ang baduy-baduy.”

Tinanong din ni Mariel si Megan kung sino sa tingin nito ang hindi baduy sa GMA, pero walang ibinigay na pangalan ang itinanghal na Miss World noong 2013.

Sa pag-uusap nila ni Mariel, nagmarka rin ang pahayag ni Megan na, “Sobrang konti lang ng friends ko dun [GMA-7], e. Kasi parang I tried to keep my circle small kasi ang daming mang-aaway dun.”

Sabi naman ni Mariel, “At saka ang daming plastik pala sa showbiz, 'no? I didn’t realize it,”

Pagsang-ayon ni Megan, “Lalo na sa mga reality shows na ganyan, sa StarStruck.”

Bumalik si Megan sa GMA-7 noong 2015 at nananatiling Kapuso star hanggang sa kasalukuyan, pero hindi na natin siya narinig nagsalita na marami ang nang-aaway sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Kapamilya host Mariel Rodriguez guested on GMA-7's 'Fast Talk With Boy Abunda,' her first appearance on the Kapuso network after more than two decades. Meanwhile, some netizens reposted clip of Mariel's conversation with Megan Young (right) on Pinoy Big Brother in 2007, where Mariel was caught saying "baduy sa GMA."
PHOTO/S: GMA Network / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results