PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donny Pangilinan, hindi ligtas sa mga gawaing-bahay kahit sikat na

Anthony Pangilinan at Maricel Laxa, ipinaliwanag ang "WIND" sa kanilang mga anak.
by Jojo Gabinete
Published Aug 18, 2023
donny pangilinan maricel anthony
Maricel Laxa and Anthony Pangilinan (right) on son Donny Pangilinan (left): “Every Saturday kasi walang yaya day. So, pag dumating yan sa bahay ng Sabado, no choice siya. Puwede siyang magluto. Puwede siyang maghugas, puwede siyang magwalis, but you have to be part of the chores for that day. Kahit kami, kasama kami sa chores."
PHOTO/S: @donny on Instagram / GMA Network

Ang paghuhugas ng pinggan, pagluluto, at pagwawalis ang ilan sa mga gawaing bahay na patuloy na ginagawa ni Donny Pangilinan sa kabila ng kasikatang tinatamasa niya sa kasalukuyan.

Ito ang rebelasyon ng kanyang mga magulang na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan sa live guesting ng mag-asawa sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Biyernes ng hapon, Agosto 18, 2023.

Read: Maricel Laxa reveals constant reminder to son Donny Pangilinan

“Yes, of course!” sagot ni Maricel sa tanong ni Boy Abunda kung totoong naghuhugas ng plato si Donny.

“Kapag nasa bahay, walang pinag-uusapan na status kahit saan. Lahat tayo, pantay-pantay na mga anak sila, kami yung mga magulang.”

Kuwento naman ni Anthony, “Every Saturday kasi walang yaya day. So, pag dumating yan sa bahay ng Sabado, no choice siya.

"Puwede siyang magluto. Puwede siyang maghugas, puwede siyang magwalis, but you have to be part of the chores for that day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit kami, kasama kami sa chores."

Ikinuwento rin ng mga magulang ni Donny ang WIND, ang acronym ng mga paalaala nila sa kanilang anak.

Paliwanag ni Anthony, “W - Walang plastikan, yun lang ang reminder namin sa kanya. We make sure that he’s true to who he is.

"Walang gagawin na hindi mo gusto na hindi talaga ikaw na pinipilit ka lang. You’re gonna be who you are in every project that you do."

Sabi naman ni Maricel, “I - Iisipin ang iba dahil hindi lang ikaw, you against the world. Kailangan you and me against the world.”

Pagpapatuloy ni Anthony, “N - Nagbabasa ng kontrata. Basahin mo ang kontrata mo. Alamin mo ang deliverables mo.

"Si Donny, alam niya pati ilan ang deliverables niya. Ilan ang posts niya. Gagawin ba niya itong TikTok na 'to o what have you.

“D - Darating ka on time.

"Yun lang, that’s it. The rest, bahala na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Maricel at Anthony ang mga may-akda ng Marriage Is A Marathon, ang libro na kanilang isinulat para makatulong at maghatid ng inspirasyon sa mga mag-asawang nagpupunyagi sa pagsasama nila.

Read: Anthony Pangilinan at Maricel Laxa, gugunitain ang 30th wedding anniversary sa pamamagitan ng isang libro

Inialay ng mag-asawa ang libro sa kanilang limang anak na sina Ella, Donny, Hannah, Benjamin, at Solana na tinawag nilang “love of our lives.”

“Thank you for running alongside us through this marriage. You have kept us believing that this race is worth finishing well and together till the finish line,” mensahe ng pasasalamat nina Maricel at Anthony sa kanilang mga anak.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Laxa and Anthony Pangilinan (right) on son Donny Pangilinan (left): “Every Saturday kasi walang yaya day. So, pag dumating yan sa bahay ng Sabado, no choice siya. Puwede siyang magluto. Puwede siyang maghugas, puwede siyang magwalis, but you have to be part of the chores for that day. Kahit kami, kasama kami sa chores."
PHOTO/S: @donny on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results