Pagkatapos ng apat na taong paghahanda at apat na buwan sa telecast, magpapaalam na ang Voltes V: Legacy sa September 8, 2023.
Dahil dito, may lungkot nang nararamdaman ang cast ng live-action TV adaptation ng GMA Network sa sikat na Japanese animé.
Hindi biro ang apat na taong ginugol ng direktor, production staff, at ng mga artista ng Voltes V: Legacy.
Sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang programa, tinanong ng Cabinet Files sa direktor na si Mark Reyes at sa lead stars na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho kung ano ang mga gantimpala nila sa sarili mula sa mga kinita nila sa programa.
Read: Direk Mark Reyes reveals tough calls, conflicts while shooting Voltes V: Legacy
Bilang reward sa sarili, bumili si Direk Mark ng camera na souvenir niya mula sa kanyang talent fee sa primetime program ng Kapuso Network.
“It’s nothing personal or material, pero I think it’s a camera that I bought to augment what we have in the shooting of Voltes V.
“I bought myself a Ronin TJ and Red Komodo camera to help us out sa mga scene na gusto kong gumamit ng bagong equipment.
"I guess, that’s the most boring and practical souvenir I have from Voltes V,” ani Direk Mark sa farewell Zoom media conference ng Voltes V: Legacy na nangyari ngayong Miyerkules, Agosto 30, 2023.
Magdiriwang si Miguel ng 25th birthday sa September 21, at ang magbiyahe ang naiisip niyang gantimpala dahil natapos na ang kanyang mga trabaho para sa Voltes V: Legacy.
Read: Miguel Tanfelix, pinanindigan ang pagiging leader ng 'Voltes V: Legacy'
“Plano kong mag-travel para sa birthday ko rin at bilang reward ko sa sarili ko after four years ng puro trabaho sa Voltes V,” sabi ni Miguel.
Samantala, dalawang negosyong ipinatatayo ang reward ni Ysabel sa sarili.
Lahad ng Kapuso actress, “I was in law school towards the tail end of lock-in [tapings] but then I stopped.
"So, sabi ko, ito ang reward ko after Voltes V. Makakapag-law school na ako.
"Kaso hindi pala kinaya. Ang hirap pala talagang pagsabayin yung dalawa.
"So, ang pinili ko na lang na reward for myself, nagpatayo ako ng business.
“Along with my partners, magpapatayo ako ng isang nail salon and, at the same time, magpapatayo rin po ako ng isang bakeshop.
"It’s kind challenging to put up two businesses at the same time pero yun po ang ginawa kong reward sa sarili ko.
“Something din na kung anuman yung effort na pinour ko dito sa Voltes V, naghanap ako ng kung saan ko ulit ibubuhos.
"Yun ang pinili ko, two businesses na passion ko din naman."
Wala pang naiisip si Radson na bibilhin para sa kanyang sarili, pero itinuturing niyang gantimpala ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan.
Read: Radson Flores at Matt Lozano, nakamit ang biggest break so far sa Voltes V: Legacy
“As corny as it sounds, for me, yung reward na nakuha ko sa Voltes V is yung reward of friendship.
"Kasi sa tagal namin talaga, ang dami naming pinagsamahan and, feeling ko, walang makapapantay o makahihigit na gamit na puwede kong reward sa sarili.
"It’s priceless," deklarasyon ni Radson.
Green motorcycle, dahil berde ang kulay ng kanyang costume sa Voltes V, ang binili ni Matt bilang souvenir mula sa mga kinita niya sa programa na naging dahilan para makilala siya ng mga tao.
Read: Matt Lozano, walong beses pinanood ang cinema version ng Voltes V: Legacy
“Best reward, number one yung motor na binili ko. Magkasama kami ni Miguel, sabay kaming bumili.
"Kaya green yung napili kong kulay ng motorcycle kasi gusto ko, every time na sasakyan ko yung motor ko, it will remind me of pagiging Big Bert Armstrong.
“Saka, reward din yung na-recognize ka sa ginawa mo, at wala na akong masasabi kundi sobrang proud na proud ako to be part of Voltes V," sabi ni Miguel.
Plano naman ni Raphael na bumili ng van para sa kanyang pamilya.
Pahayag ng child actor, “Wala pa po akong nabibili pero may gustung-gusto po talaga akong pag-ipunan.
"Siguro po, van, kasi yung family ko po, mahilig kaming mag-outing, mag-travel. Para magkakasya na kami sa loob ng van.
"At saka sobrang thankful ako sa Voltes V team dahil nakasama ko sila."
Read:Kapuso Child star Raphael Landicho shares earnings with three brothers