Hindi pa handa ang award-winning actress na ibahagi sa publiko ang katuparan ng pangarap na pinakamimithi, pero lubos ang pasasalamat niya dahil dininig ng Diyos ang kanyang napakahalaga at matagal nang panalangin.
Likas na madasalin ang aktres at mula nang malaman nito ang lihim tungkol sa pagkatao niya, hindi siya nawalan ng pag-asang darating ang panahon na ipagkakaloob ng Diyos ang pabuya niya bilang isang mabuting Kristiyano.
Makalipas ang mahigit sa anim na dekada, natupad ang ipinagdarasal ng aktres na makilala niya ang kanyang tunay na ama at ang pamilya nito.
Read:
Mga aberya sa set: May na-pack up, nagsakalan, naatrasan ng sasakyan
Nang malaman ng aktres na ampon siya, isa sa mga panalangin niya ang matunton ang kanyang amang banyaga, at naganap ito kamakailan lamang.
Hindi lamang ang kinaroroonan ng biological father niya ang natuklasan ng aktres dahil nakilala rin nito ang kanyang mga kamag-anak sa ibang bansa.
Read:
Dating Sikat na Aktor, Maganda at Mayamang Celebrity, naging sila ba?
Female singer, nagwala sa comedy bar matapos makipag-away sa yummylicious boyfriend
Maligayang-maligaya ang aktres dahil nabuo na ang kanyang pagkatao. Pero dahil sa malaking pagpapahalaga sa pribadong buhay, hindi niya magawang isiwalat sa publiko ang napakagandang pangyayaring naranasan.
Parang pelikula o teleserye na may happy ending ang kuwento ng personal na buhay ng madasalin at mabait na aktres, na hindi nawawalan ng proyekto mula nang magsimula ang kanyang showbiz career dahil mahusay makisama, propesyonal, marespeto sa kapwa at malaki ang takot sa Poong Lumikha.