PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga aberya sa set: May na-pack up, nagsakalan, naatrasan ng sasakyan

Dahil ba ghost month pa rin?
by PEP Troika
Published Sep 9, 2023
Blind item
Naku, ang daming ganap sa shooting ng isang pelikula at taping sa isang big series. Dahil ba ghost month pa rin until September 14?

JERRY OLEA:

Wagas ang mga aberya sa shooting kamakailan ng isang pelikula, ganoon din sa taping ng isang TV series.

Sa shooting ng pelikula, ang isa sa main cast na sexy actress ay bigla raw na-pack up. Inabot daw kasi ito ng dysmenorrhea.

Hirap na hirap si sexy aktres dahil hindi pala talaga siya okay kapag dumadating ang buwanang dalaw niya. Kaya na-pack up na lang sila, at pinauwi na lang si sexy actress.

Nang sumunod na shooting day ay okay na si sexy actress. Tuloy na ang shooting.

Pero ilang oras lang ang lumipas, nagkaroon ng commotion sa set. Nagbakbakan ang dalawang staff.

Nagkaroon daw ng matinding pagtatalo ang dalawa na umabot sa sakalan. Ang tagal bago sila naawat!

Pahayag ng isang pinagpipitaganang direktor, dapat walang abusadong tao sa isang proyekto. Bad karma raw ang hatid niyon.

Read:

Sinong "JP" ang pinatatamaan ni Aiko Melendez sa kanyang blind item?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating Sikat na Aktor, Maganda at Mayamang Celebrity, naging sila ba?

Samantala, sa taping naman ng isang bagong action-drama series, nataranta ang buong production staff at mga artista sa isang aksidente.

Nagti-take sila ng isang maaksiyong eksena kung saan may gamit na sasakyan ang bidang aktor.

Pagkatapos ng take, bumaba na raw si aktor. Pero hindi yata kumagat mabuti ang brake, biglang dumausdos ang sasakyan tuluy-tuloy pababa.

May isang taong hindi nakaalis agad, naatrasan ito ng sasakyan. Mabuti at hindi malubha ang nangyari sa taong nakiusyuso lang pala sa taping.

Pero naantala ang taping dahil isinugod pa sa ospital ang taong yun. Sobrang guilty raw ng aktor sa nangyaring aksidente.

Pero hindi naman niya kasalanan, at dapat talagang i-clear yung lugar na pinag-taping-an kasi meron at merong ayaw paawat na gustong mag-usyoso sa mga eksenang kinukunan.

Take note na nasa Ghost Month pa tayo hanggang sa susunod na Huwebes, Setyembre 14, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May konek kaya sa Ghost Month ang mga aberyang ito sa shooting at taping?

Read:

Female singer, nagwala sa comedy bar matapos makipag-away sa yummylicious boyfriend

Alluring Actress, echosera sa pahayag na pumayat dahil lamang sa diet

GORGY RULA:

Baka may senyales itong nangyayari sa shooting ng pelikulang ito, dahil kahila-hilakbot itong ginagawa nila. Kaya dapat mag-ingat.

Ang narinig naman namin sa nangyayari sa taping ng series, parang nangangapa raw ang mga artista dahil sa ilang problema sa production staff. May ilang staff daw na tila hindi alam ang ginagawa nila, kaya ang artista ang nahihirapan.

Malaki pa naman ang TV project na ito, at ang daming artistang sangkot. Sana, maayos nila, at alam ng mga staff ang dapat gawin kapag nagkakaproblema sa set.

Sana, maganda ang kalabasan dahil ang taas ng expectations namin sa project na ito.

Read:

Premyadong aktres, tinangkang sulutin ng talent manager

Pretty Actress naka-fling si Sikat na Aktor

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER:

Dasalan natin ang mga proyektong itong maituturing na high risk!

Baka kailangan ng karagdagang dasal o pagbabasbas o pag-aalay ng kabutihan sa ganitong mga proyekto para ilayo ang lahat sa kapahamakan.

Sana, maluwalhating mairaos ang mga proyektong ito at parehong magtagumpay dahil mahal natin ang ibang mga sangkot dito.

Read Next
Read More Stories About
blind item, showbiz tita
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naku, ang daming ganap sa shooting ng isang pelikula at taping sa isang big series. Dahil ba ghost month pa rin until September 14?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results