PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dating Sikat na Aktor, Maganda at Mayamang Celebrity, naging sila ba?

Andaming clues!
by PEP Troika
Published Sep 4, 2023
Dating Sikat na Aktor at Mayaman at Mandang Celebrity
Naging sila ba o hindi? Nag-date daw kasi sina Dating Sikat na Aktor at Maganda at Mayamang Celebrity, pero kung natuloy ba ito sa relasyon, sila lang ang nakakaalam.

GORGY RULA:

Nag-react ang ilang kaibigan ng isang Mayamang Babae sa blind item ng PEP Troika tungkol sa pagkaka-link nito sa Dating Sikat na Aktor.

Read: Dating Sikat na Aktor, ano ang relasyon sa isang Mayamang Babae?

Sa pagkakaalam nila, walang namamagitang relasyon sa dalawa.

Nagkaroon daw ng pagkakataong nagkakilala ang Mayamang Babae at Dating Sikat na Aktor, pero hindi nila alam kung nagkita pa sila uli.

Hindi rin daw sila sure kung kakayanin ng Dating Sikat na Aktor ang magkaroon ng sariling kabayo sa isang exclusive membership club.

Sa pagkakaalam nila, walang nabuong relasyon.

Read: Female singer, nagwala sa comedy bar matapos makipag-away sa yummylicious boyfriend

Ang nalaman daw nila rito kay Dating Sikat na Aktor, na-link ito sa isang Maganda at Mayamang Celebrity. Hindi lang daw nila masabi kung nauwi sa seryosong relasyon.

May personal na pinagdaanan si Maganda at Mayamang Celebrity. Sinabi niya noon sa isang interview na sakaling pumasok siya sa panibagong relasyon, gusto niya sa mas bata na.

Mas bata sa kanya itong si Dating Sikat na Aktor, at hindi malayo na magkadevelop-an sila.

Read: Alluring Actress, echosera sa pahayag na pumayat dahil lamang sa diet

Pero ayon sa aming reliable source, hindi natuloy ang romansa nina Maganda at Mayamang Celebrity at Dating Sikat na Aktor.

Nagulat na lang daw sila nang nabalitaang may bago nang lover si Maganda at Mayamang Celebrity.

Hindi si Dating Sikat na Aktor, hindi sa guwapong bagets, kundi sa isang mayamang "tunggril" o miyembro ng LGBTQIA+.

Nung huling nakatsikahan namin ang aming source, tuloy pa rin daw ang relasyon ni Maganda at Mayamang Celebrity kay "tunggril"!

Hindi lang daw nila tiyak kung sino ang mas mayaman sa dalawa: ang Maganda at Mayamang Celebrity o ang karelasyon niya.

Read: Influential person, hiwalay na sa singer-actress; dinidiskartehan ulit ang sexy star?

JERRY OLEA:

Sandamukal ang mga istorya sa Tung Dynasty na hindi gaanong nabubulatlat.

Truly finger lickin’ good kung aaminin ni Maganda at Mayamang Celebrity ang pakikipag-cymb@l-an sa Tivoli Royale.

Si Dating Sikat na Aktor na talap-talap up to now, aarugain kaya ng ibang Matronix Q30+ upang magkaroon ng sariling kabayo?

Read: Aktor, ayaw nang makatrabaho ang male co-star na walang respeto

NOEL FERRER:

Something in me says LOVE WINS!!!

At medyo humbling ito sa Dating SIkat na Aktor dahil hindi lahat puwedeng ma-fall sa kanya.

Huwag siyang maging confident, at hindi lahat ay magiging marupok AF and fall for his God’s gift to humanity stance.

As for this Maganda at Mayamang Celebrity, owww, this is a new facet to her colorful life!!! Enjoy and do what makes you happy!!!

Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging sila ba o hindi? Nag-date daw kasi sina Dating Sikat na Aktor at Maganda at Mayamang Celebrity, pero kung natuloy ba ito sa relasyon, sila lang ang nakakaalam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results