PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Montes Addresses Coco Martin Engagement Rumors

Julia Montes, inilarawan si Coco Martin bilang “My knight in shining armor."
by Jojo Gabinete
Published Oct 6, 2023
julia montes coco martin engagement
"Lovable" at "mas malambing" ang pagsasalarawan ni Julia Montes sa kanyang boyfriend na si Coco Martin, at, diumano, nahanap na ng aktres ang kanyang “the one.”
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook / GMA Network

“Thank you for being open this year.”

Ito ang thank-you message ni Julia Montes para sa sarili na sinabi niya sa kanyang live guesting sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Huwebes ng hapon, Oktubre 5, 2023.

May katotohanan ang sinabi ni Julia dahil kahit limitado ang kanyang mga pahayag, sinasagot na niya ang mga tanong tungkol sa relasyon nila ni Coco Martin.

“My knight in shining armor," ang walang pag-aalinlangang sagot ni Julia nang magtanong si Boy kung sino si Coco sa buhay niya.

Read: Coco Martin and Julia Montes holding hands while walking at ABS-CBN Ball 2023 red carpet

Inamin ni Julia na may kapwa artista ito na pinagselosan at nagseselos siya depende sa dapat pagselosan.

Magagawa rin umano ni Julia ang magpatawad nang paulit-ulit kapag mahal niya ang tao at, ayon sa kanya, masayang-masaya siya ngayon.

"Lovable" at "mas malambing" ang pagsasalarawan ni Julia kay Coco at, diumano, nahanap na niya ang kanyang “the one.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ten” naman ang siguradung-siguradong sagot ni Julia nang itanong ni Boy kung gaano siya ka-in love ngayon.

Read: Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline

Sa "Talk or Dare" segment ng Fast Talk With Boy Abunda, pinili ni Julia ang magsalita kesa tanggapin ang hamon na sumayaw siya na parang walang nanonood.

“Parang nakaka-stress po yung dare. Talk na lang. Parang mas nahihiya po akong sumayaw sa harap ng mga tao,” reaksiyon ni Julia sa tanong na engagement o wedding ring ba ang suot niya nang dumalo sila ni Coco sa ABS-CBN Ball na ginanap noong Setyembre 30, 2023 sa Makati Shangri-La.

julia montes coco martin at ABS-CBN Ball 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Let’s cross the bridge when we get there. Yun lang, puwede ba yon? Okay na po yun, please?" may pakiusap na sagot ni Julia sa nakakaintrigang tanong ni Boy sa kanya.

Read: Coco Martin on settling down: "Nasa puso ko na yung right one.”

Si Julia ang leading lady ni Alden Richards sa Five Breakups and A Romance, ang kanilang pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula sa Oktubre 18, 2023.

Nagsadya si Julia sa studio ng GMA-7 para i-promote ang pelikulang ginawa niya makalipas ang walong taon.

Dahil visible siya ngayon sa showbiz, may mga nagsasabing may napupuna silang pagbabago sa katawan ng 28-year-old actress, pero walang naglalakas ng loob na tanungin siya nang diretsahan.

julia montes fast talk

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Lovable" at "mas malambing" ang pagsasalarawan ni Julia Montes sa kanyang boyfriend na si Coco Martin, at, diumano, nahanap na ng aktres ang kanyang “the one.”
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results