PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda Judged Miss Universe 2023

Boy Abunda, napurnada na naman ang partisipasyon sa Miss Universe.
by Jojo Gabinete
Published Nov 9, 2023
boy abunda miss universe
Boy Abunda (in photo) will not be able to participate in Miss Universe 2023 because of his interview with Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee. Here's why...
PHOTO/S: GMA Network

Inalok si Boy Abunda na maging isa sa mga hurado ng Miss Universe 2023, pero nagkaroon ng conflict dahil sa panayam niya kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa Fast Talk with Boy Abunda na napanood sa GMA-7 noong Oktubre 30, 2023.

michelle dee fast talk with boy abunda

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga napiling hurado sa Miss Universe ang pagkakaroon ng interaksiyon sa mga kandidata para maiwasan ang bias o magkaroon ng mga isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganapin ang grand coronation ngf Miss Universe 2023 sa José Adolfo Pineda Arena, sa San Salvador, El Salvador, sa Nobyembre18, 2023.

Ito ang pangunahing dahilan kaya, sa pangalawang pagkakataon, hindi matutuloy ang partisipasyon ni Boy sa international beauty pageant.

Pangalawang pagkakataon dahil noong Disyembre 2023, inimbitahan si Boy ng Miss Universe Organization para maging anchor ng 71st Miss Universe na idinaos sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, USA, noong Enero 14, 2023.

Gustuhin man niyang tanggapin ang tempting offer, tumanggi si Boy dahil tiyak na magkakaroon ng malaking problema sa kanyang schedule.

Hindi na puwedeng mangibang-bansa si Boy noong mga panahong iyon dahil abala na siya sa paghahanda para sa kanyang bagong programa sa GMA-7, ang Fast Talk With Boy Abunda, na nagsimula noong Enero 23, 2023.

Read: Boy Abunda, tinanggihan ang offer maging show commentator sa Miss Universe 2022

Hindi man siya naging bahagi ng Miss Universe 2022, naging bisita ni Boy sa Fast Talk with Boy Abunda noong May 9, 2023 ang Miss Universe Organization owner at Thai business tycoon na si Anne Jakrajutatip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Anne Jakrajutatip, inaming nag-apologize kay Catriona Gray

anne jakrajutatip boy abunda

Nahaharap ngayon sa malaking pagsubok si Anne dahil naghain ng bankruptcy ang kanyang kompanya sa Thailand, ang JKN Global Group, na may pinagdaraanang "liquidity problems" matapos hindi mabayaran ang bonds na nagkakahalaga ng US$12 million.

Read: Miss Universe owner Anne Jakrajutatip's JKN Global files for debt rehabilitation

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malapit sa puso ni Anne ang mga Pilipino at tiyak na lalo niyang mamahalin ang ating lahi dahil sa suporta at mga salitang nakapagpapalakas ng loob na kanyang natatanggap mula sa mga kababayan nating nagdarasal na malampasan niya ang mga bagong hamon na sinusuong.

Mababasa sa comments section ng official social media accounts ni Anne ang mga nakakataba ng pusong mensahe ng masidhing suporta sa kanya ng mga Pilipino.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda (in photo) will not be able to participate in Miss Universe 2023 because of his interview with Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee. Here's why...
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results