Mainit ang naging pagtanggap ng GMA Network management kay Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip at sa entourage nitong mahigit sa labinwalo ang bilang.
Bumisita si Anne sa Kapuso Network nitong Martes ng hapon, May 9, 2023.
Ang giant screen monitor sa main lobby ng GMA Network building na may nakasulat na "Welcome! Ms. Anne Jakrajutatip JKN Global Group CEO and Miss Universe Organization" at ang mga TV crew ang sumalubong kay Anne at sa mga kasama niya.
Bumisita na noon si Anne sa GMA Network dahil sa partnership nila at sa mga drama series ng Kapuso Network na dinala at ipinalabas niya sa Thailand.
Pero ang pagdalaw niya ngayong Martes ang unang pagkakataon ng kanyang pagpunta bilang may-ari ng Miss Universe Organization.
Si Anne ang special guest ni Boy Abunda sa live telecast ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong hapon.
Bago nangyari ito, iniharap muna sa kanya ang mga contract star ng GMA-7 gaya nina Rabiya Mateo, Jeric Gonzales, at Gil Cuerva para sa mga possible future collaboration nila ng kanyang kompanya at ng Kapuso Network.
Napuno ang studio dahil sa mga kasama ni Anne—ang glam team niya, videographer, at mga empleyado ng Miss Universe Organization at JKN Global Group.

Masiglang-masigla si Anne sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Marunong si Anne dahil alam nito kung paano pasasabikin at gagawing kontrobersiyal ang kanyang mga sagot para makiliti ang imahinasyon ng manonood.
Tinanong ni Boy ang Thai billionaire kung ano ang mga sinabi niya kay Miss Universe 2018 Catriona Gray nang magkita sila sa Miss Universe Extravaganza na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong November 7, 2022.
Iyon ang unang pagkakataong nagkita sina Anne at Catriona.
Read: Catriona Gray at Anne Jakrajutatip, nagharap na sa unang pagkakataon
Tanong ni Boy kay Anne, "There was a particular scene on stage where you were seen by people standing and you were holding hands with Catriona Gray and people were speculating because what are they talking about and you were conversing, you’re talking to each other. I wanna ask Miss Anne today, what was that about?"
“Give me the crown!” birong sagot ni Anne.
Pero seryosong dagdag niya: “I respect her so much and it was the first time that we came across, see each other, so I said, this is for real actually...
“I sincerely talked to her, ‘I am Anne Jakrajutatip and I come here and say I do apologize, whatever happened in the past, but I’m so glad you’re here in Thailand. Welcome to the family of JKN and also Miss Universe Organization. I love you my dear from the bottom of my heart.'"
Tumanggi si Anne na sabihin ang dahilan ng paghingi niya ng paumanhin kay Catriona.
“Of course, I don’t have to answer!” natatawang reaksiyon ni Anne.
“I just want to get it out from my chest. I just need to do it.
"From now on, we have to work together so just put the past aside and don’t talk, don’t mention about it at all.”
Mahihinuha sa sagot ni Anne na may kinalaman ang ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad sa paghingi niya ng paumanhin dahil naugnay sina Anne at Clint sa isa’t isa noong 2020.

Clint Bondad and Catriona Gray
Pero kung tutuusin, walang dahilan para humingi ng paumanhin si Anne kay Catriona dahil kinumpirma ng beauty queen noong February 2019 na hiwalay na sila ni Clint, bago pa man napabalitang may relasyon ito sa Thai transgender businesswoman.
Ang nakakaintrigang sagot ni Anne sa tanong ni Boy ang lalong nagbigay ng malaking katanungan sa mga mahihilig sa kontrobersiya.
Noong October 2019, mariin ang pagtanggi ni Anne tungkol sa rumored love affair nila ni Clint.
“Clint is a brother to me. Thank you for understanding. Yes, as a brother sister. He’s not my type! Sorry!" sabi noon ni Anne, na iba na ngayon ang mga pinakakawalang salita.
Read: Thai billionaire trans woman clarifies real score with Clint Bondad
Read: Thai transwoman billionaire, nanindigang wala silang relasyon ni Clint Bondad
Clint Bondad and Anne Jakrajutatip