Ang reunion movie ng former couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia at ang muling pagtatambal sa isang proyekto ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang inanunsiyo ng Viva Films bago nag-umpisa ang media conference ng My ZomBabe.
Ginanap ang mediacon nitong Huwebes ng hapon, Disyembre 21, 2023 sa Viva Café, Cubao, Quezon City.
Ang pelikulang gagawin nina Julia at Joshua ang muling pagsasama nila makalipas ang limang taon.
Ang I Love You Hater, na ipinalabas sa mga sinehan noong July 11, 2018, ang huling proyekto ng dating magkarelasyon.
Read: Joshua Garcia at Julia Barretto magbabalik-tambalan sa pelikula
Makaraan ang labingtatlong taon, muling magbibida sa pelikula sina Sarah at Matteo.
Sila ang lead stars ng Philippine adaptation ng Wonderful Nightmare, ang 2015 South Korean romantic comedy movie.
Ang Catch Me, I’m In Love ng Star Cinema ang nag-iisang pelikulang pinagsamahan nina Sarah at Matteo noong 2011.
Bukod sa reunion movie nina Julia at Joshua at sa pelikula nina Sarah at Matteo, mapapanood sa 2024 ang ibang mga pelikula ng Viva Films.
Ang My ZomBabe, na pinangungunahan nina Kim Molina at Empoy Marquez, ang opening salvo ng kompanya at mapapanood ito sa mga sinehan simula sa January 8, 2024.
Sa January 17, 2024 naman ang theatrical release ng Road Trip, ang pelikulang pinagbibidahan ng magkapatid na sina Janice at Gelli de Belen, at ng kanilang mga kaibigan na sina Candy Pangilinan at Carmina Villarroel.
Nakalinya ang cinema showing sa Enero 24, 2023 ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko, debut movie directorial job ni Janno Gibbs.
Isa ito sa mga huling proyekto ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez na binawian ng buhay noong Disyembre 17, 2023.
Read: Janno Gibbs pays tribute to late dad Ronaldo Valdez
Ang Philippine adaptation ng My Sassy Girl na tinatampukan nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera ang movie offering ng Viva Films sa January 31, 2024.
Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko ang bagong pamagat ng Forgetting Canseco, ang unang movie team-up nina Julia Barretto at Aga Muhlach.
Nakatakda naman sa Pebrero 7, 2023 ang cinema exhibition ng Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.
Read: Aga Muhlach-Julia Barretto movie "to normalize all kinds of love"
Ang Elevator na pinagsasamahan nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa, at ang Out of Order na unang pelikula ni Alden Richards bilang direktor ang dalawa sa mga proyekto ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa Pebrero 2024.
View this post on Instagram