NOEL FERRER
Isa ako sa mga natuwa nang mabalitaan ko ang pagsasama muli sa pelikula ng tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto.
Balitang pamamahalaan ito ng box-office direktor na si Cathy Garcia-Sampana.
Unang nagtambal sa TV, gumawa ng pelikula, naghiwalay bilang magkasintahan pero ngayo’y magkakaroon ng comeback film under Star Cinema, kaabang-abang ito lalo pa’t may sakit na silang napagdaanan sa buhay, mas malalim na ang hugot nila — at siguradong mas magaling pa silang artista ngayon.
Excited talaga ako sa pagbabalik tambalang ito nina Joshua at Julia! Kayo ba, mga ka-Troika?
JERRY OLEA
Ang huling JoshLia movie ay ang zombie thriller na Block Z, na ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 2020.
Bilang closure sa kanilang mga pinagdaanan, nag-reunite sila sa music video ng "Paubaya" ni Moira de la Torre.
Nag-premiere iyon noong Pebrero 14, 2021. May 38.5M views na iyon sa YouTube channel ni Moira.
Read: Joshua Garcia, Julia Barretto, nag-sorry, nagkapatawaran, nagpaalaman sa "Paubaya"
Akala natin ay hanggang doon na lamang ang tandem nina Joshua at Julia.
For sure, mae-excite ang JoshLia fans sa balitang magre-reunion sila sa pelikula!!!
GORGY RULA
Parang kailan lang na ang apat na pinakamalalakas na love team sa local showbiz ay AlDub, KathNiel, JaDine, at LizQuen.
Noon pa nabuwag ang AlDub at JaDine. Sina Liza Soberano at Enrique Gil ay may kani-kanya nang tinatahak na landas sa career.
Ang KathNiel, maugong ang bali-balitang hiwalay na rin. Ang JoshLia na noon pa naghiwalay, may bagong movie na gagawin?!
Unexpected iyan to the stars and back, maski itanong pa ninyo sa haters na nai-in love ngayon at kailanman!
