PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senate Polls Survey: Willie, Tito, Isko in 2025

Willie Revillame malaki ang posibilidad na tumakbo sa 2025.
by Jojo Gabinete
Published Jan 8, 2024
wilie tito isko politics
Variety shows hosts Willie Revillame, Tito Sotto, and Isko Moreno are among the possible senatorial candidates who will in the 2025 elections.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Tatlong variety show hosts ang madalas na lumilitaw ang mga pangalan sa resulta ng bagong survey ng Pulse Asia Research at ng OCTA Research group sa senatorial preferences sa eleksyong magaganap sa Mayo 2025.

Ito ay sina Tito Sotto ng Eat Bulaga!, Isko Moreno ng Tahanang Pinakamasaya, at si Willie Revillame ng Wowowin.

Malaking tulong ang exposure nina Tito at Isko sa kanilang mga noontime program sa TV5 at GMA-7, respectively, para magkaroon ng kamalayan ang publiko tungkol sa kanilang pinaplanong senatorial bid sa 2025.

Malaking sorpresa naman para kay Willie ang resulta ng mga survey dahil kahit hindi visible o pansamantalang wala siya sa telebisyon, marami pa rin ang nagnanais kumandidato ang Wowowin host sa eleksyon ng mga senador sa 2025.

Read: Willie Revillame hits back at celebrity critics: "Binigyan ko kayo ng tulong dati... tinitira niyo pa ako!"

Kung magpapatuloy ang paglitaw ng pangalan ni Willie sa iba’t ibang mga survey tungkol sa senatorial preferences ng mga Pilipino, malaki ang posibilidad na tumakbo siya sa halalan sa susunod na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan nang sinabi ni Willie na maaaring pagbigyan nito ang public clamor dahil wala na siyang kontrata sa anumang TV network at tila ang serbisyo publiko ang itinadhana ng Panginoong Diyos para sa kanya.

Naramdaman din ni Willie ang pagmamahal at walang sawang pagtangkilik sa kanya ng masang Pilipino dahil sa tagumpay ng limited engagement ng "Pamaskong Regalo ng Wowowin" sa YouTube channel at Facebook page nito mula Disyembre 18, 2023 hanggang Disyembre 22, 2023.

Read: Willie Revillame hindi akalaing milyun-milyon ang tumutok sa Pamaskong Handog ng Wowowin

Hindi lamang sina Tito, Isko, at Willie ang mga showbiz personality na pasok sa listahan ng senatorial preferences ng ating mga kababayan para sa eleksyon sa 2025.

Kasama rin ang pangalan nina Senator Lito Lapid, Senator Bong Revilla Jr., Herbert Bautista, pati na ang Filipino boxing champion na si Manny Pacquiao, at ang former TV news anchor na si Erwin Tulfo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Variety shows hosts Willie Revillame, Tito Sotto, and Isko Moreno are among the possible senatorial candidates who will in the 2025 elections.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results