Nasaktan at nagalit si Herlene Budol nang lumabas sa social media ang screenshot ng mga pribadong palitan nila ng mensahe ni Rob Gomez.
Read: Herlene Budol reacts to alleged private convo with Rob Gomez
Pero imbes na magmukmok, sinunod niya ang kasabihang “When life gives you lemons, make lemonades” dahil sa kanyang pasyang mag-record ng kantang may pamagat na "Kain Tayo."
Mula sa leaked conversation nila ni Rob ang pamagat ng bagong single na binabalak ni Herlene.
Kamakailan lang, ipinagmalaki niya sa pamamagitan ng isang social media post na dapat abangan ang music video ng "Kain Tayo."
Ibinahagi rin ni Herlene sa Instagram stories nito ang pictorial niya para sa music video ng kanyang upcoming single.
Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”
Pero naunahan na si Herlene ng isang enterprising Filipino businessman na mabilis naglabas ng mga T-shirt na may larawan ng yumaong aktor na si George Estregan, at nakatatak dito ang salitang “Basta mabango… kainin mo.”
Mabibili ito sa isang online shopping site sa halagang P236.05.

Si George ang lolo ni Rob pero hindi na sila nagpang-abot ng kanyang apo.
Pumanaw si George noong Agosto 8, 1988, samantalang isinilang si Rob noong March 23, 1997.
Ang anak ni George na si Kate Gomez ang ina ni Rob.
Read: Rob Gomez at Boots Anson-Rodrigo, madalas na topic ang yumaong si George Estregan
Walang reaksyon si Rob nang ibalita naming ibinebenta sa online store ang "Kainin Mo" shirts dahil abalang-abala siya sa pagbawi sa kanyang cell phone na diumano’y inagaw ng dating girlfriend niyang si Shaila Rebortera.
Read: Rob Gomez di pa nababawi ang cell phone mula kay Shaila Rebortera
Hindi maitatangging inspirasyon ng kumalat na screenshots ng private conversation nina Herlene at Rob ang "Kainin Mo" T-shirt na gumamit sa larawan ni George.
Nakilala si George noong dekada ’80 sa paggawa ng sexy movies kaya siya ang itinuturing na "orihinal na Mang Kanor ng Pilipinas."