PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla injured in eye during taping

Ejay Falcon bumilib sa proessionalism ni Bong Revilla.
by Jojo Gabinete
Published Jan 26, 2024
bong revilla ejay falcon walang matigas presscon
Ejay Falcon (on) Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis lead star Bong Revilla (right): "Bilang isang artista or action star, ina-idolize ko yung tao na nakatrabaho mo, nakita mo tapos nakilala mo."
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram

Aksidenteng tinamaan ng baril sa mata si Senator Bong Revilla sa isang eksena sa Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Ito ang ikinuwento ni Ejay Falcon sa media conference ng action-comedy series ng GMA-7 na naganap sa isang hotel sa Quezon City nitong Biyernes ng hapon, Enero 26, 2024.

Read: Herlene Budol "kinilig" nang malamang kasama sa Season 2 ng show ni Senator Bong Revilla

Nabanggit ni Ejay ang karanasan ni Bong dahil bilib na bilib siya sa professionalism na ipinamalas ng lead star na bumalik sa set ng kanilang sitcom pagkatapos ipa-checkup ang mata na hindi sinasadyang tinamaan ng baril habang kinukunan ang eksena nila ni Beauty Gonzalez.

Kuwento ni Ejay, “Si Senator Bong talaga yung isa sa mga pangarap kong makatrabaho.

"Kasi, gaya nang sinabi niya po, ginawa ko yung Dugong Buhay before, launching movie niya yon."

Inilunsad si Bong bilang action star sa pamamagitan ng pelikulang Dugong Buhay ng Viva Films noong 1983.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ejay naman ang nagbida sa TV remake ng Dugong Buhay na ipinalabas sa ABS-CBN noong 2013.

Read: Ejay Falcon achieves dream of becoming action star in Dugong Buhay

Pagpapatuloy ng dating Kapamilya star, “So ako, naging peg ko rin bilang ako bagong artista, isa sa mga naging peg ko na action star ay si Senator Bong.

“At nung nakatrabaho ko siya, nabigyan ako ng chance na makapagtrabaho, thank you po GMA-7 sa pagkakataon na nakatrabaho ko siya.”

Kasunod nito ay ikinuwento ni Ejay ang aksidenteng nagpadugo sa mata ni Bong.

"Mas nakilala ko po siya. Ina-idolize ko siya bilang isang artista o public servant.

"But nung nakatrabaho ko po siya, natatandaan ko yon sa Taytay, may shooting kami, may konting aksidenteng nangyari sa kanya.

“Pero akala ko mapa-pack up ang taping. Sabi ko, mukhang hindi na babalik si Sen kasi tumakbo sa ospital.

"And then, maya-maya, biglang magsu-shoot si Sen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, bilang isang artista or action star, ina-idolize ko yung tao na nakatrabaho mo, nakita mo tapos nakilala mo."

Nang tanungin si Bong tungkol sa ikinuwento ni Ejay, detalyado nitong ibinahagi ang pangyayari.

Kuwento ng actor-politician, “May scene na inagawan ko siya [Beauty] ng baril. Hindi niya alam, nakuha ko yung baril niya tapos ako yung nakipagbarilan.

"Supposed to be hindi na ako pulis so naagaw ko yung baril niya. Nang bumaril ako, kinuha niya sa akin yung baril.

"Accidentally, tinamaan yung mata ko.

"Sa totoo lang, akala ko nabulag ako, pero pina-check ko, nagpunta talaga ako sa ospital.

"But I’m okay at bumalik ako sa set siyempre para mawala yung takot ni Beauty, at saka lalaki ang cost ng GMA kung ipa-pack up ko yung shooting."

Habang nagsasalita si Bong ay nakikinig si Beauty, na hindi mapakali dahil nag-alala nang husto at natakot sa aksidenteng nangyari bago sumapit ang Pasko noong nakaraang taon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sabi ni Bong, “Sa akin naman, yung mga ganoong aksidente, that’s normal. Natural lang yon.

"Hindi naman gusto ni Beauty na tamaan yung mata ko.

“Actually, dito sa project na to, ilang beses tinamaan na ako. Napilay nga ako. In fact, hanggang ngayon nagte-therapy ako sa paa ko.

"Kasama yon sa... kapag gumagawa ka ng aksyon, natural na may aksidente na ganoon. Minor accident.

“Yun ang gusto ko rin ituro sa mga kapwa natin artista. Yung mga minor na ganoon, gasgas, kasama yan. That’s part of it.

"May mga aksidenteng hindi natin maiiwasan pero hangga’t ma-avoid, avoid it.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon (on) Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis lead star Bong Revilla (right): "Bilang isang artista or action star, ina-idolize ko yung tao na nakatrabaho mo, nakita mo tapos nakilala mo."
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results