Pelvic inflammatory disease ang karamdaman ni Bea, ang 13-year-old daughter ni Andrea del Rosario, kaya sumailalim siya sa major surgery sa isang ospital sa Taguig City noong ikalawang linggo ng Enero 2024.
Ang operasyon sa kanyang anak ang dahilan kaya kinansela ni Andrea ang lahat ng mga showbiz commitments.
Sabi ng aktres sa Cabinet Files, "She was confused and frustrated but also relieved na na-cure na ang kanyang sakit na matagal nang palaisipan at misdiagnosed.”
Nakakahinga na raw siya ngayon nang maluwag dahil maayos na ang kalagayan ng kanyang nag-iisang anak, na nakalabas na mula sa ospital at nagpapahinga sa tahanan nila.
Read: Andrea del Rosario sentimental over daughter Bea's 13th birthday; reveals "best gift"
Hangang-hanga si Andrea sa attitude ni Bea na napaka-well-rounded.
"She’s resilient, bull-headed, fighter. She is a good-hearted person and full of life.
"If you challenge her, she will do it and would push to be the best. She’s super fun person to be with because she is not a wimp.
"She will try anything which makes me so proud as a mom.
"She is an athlete. She’s a volleyball varsity. She rides a horse. She’s a swimmer.
"She knows how to ride a bike, go-carts, walk, climb.
"She loves art. She has art works, very smart conversationalist, may pagka-old soul siya."
Read: Andrea del Rosario opens up about probinsya life with polo player boyfriend
Ang pagiging aktibo ni Bea sa napakaraming bagay ang rason kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng paninibago buhat nang sumailalim siya sa operasyon.
Sinabi ni Andrea na nakikipag-usap siya ngayon sa school authorities ukol sa pansamantalang paghinto ni Bea sa pag-aaral.
"The school is still discussing how they will deal with her case kasi medyo matagal ang recovery stage, from six to eight weeks. But she’s at home doing art works,” ang impormasyon na ibinahagi ni Andrea sa Cabinet Files.
Read: Is Andrea del Rosario worried that her boyfriend might cheat on her while abroad?
Katuwang ni Andrea sa pag-aasikaso sa kanyang anak ang karelasyon na si Anthony Garcia, isang polo player.
Hindi pa direktang inaamin ni Andrea kung nagpakasal na sila ni Anthony, pero aniya, Nobyembre 12, 2021 ang petsa na importante sa kanilang buhay, at ang Argentina ang pinili nilang pagdausan ng mahalagang okasyon dahil matagal na nanirahan sa naturang bansa ang kanyang karelasyon.
"Anthony lived in Argentina, and we go there every year to play polo. Fifth year na naming pumupunta together sa Argentina dahil marami siyang friends doon."
Read: Andrea del Rosario flies to Argentina to watch BF's polo match