PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame handa nang tumakbong senador

Willie Revillame: "Palagay ko, handa na ako."
by Jojo Gabinete
Published Jan 29, 2024
willie revillame rodrigo duterte davao
Willie Revillame attends the prayer rally Hakbang ng Maisug, led by former President Rodrigo Duterte, in Davao City on January 2, 2024.
PHOTO/S: Rody Duterte Facebook

Isang araw matapos ipagdiwang ang kanyang ika-63 kaarawan noong Enero 27, 2024, lumipad si Willie Revillame sa Davao City noong Linggo, Enero 28.

Siya ang tanging entertainment personality na pinaimbitahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Willie ang nagpakilala kay Duterte sa Hakbang ng Maisug, ang prayer rally na ginanap sa San Pedro Square, Davao City.

Mainit ang naging pagtanggap kay Willie ng mga Davaoeños.

willie revillame rodrigo duterte davao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-uusapan ngayon ang kanyang pagdalo sa naturang okasyon dahil idineklara niya ang intensiyong kumandidato bilang senador.

Inumpisahan ni Willie ang kanyang deklarasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol sa mga nangyari nang ipatawag siya noon ni Duterte sa Malacañang Palace, noong nakaupo pa sa puwesto ang dating Pangulo.

Read: President Duterte inulit ang hiling na tumakbong senador si Willie Revillame

Lahad ng TV host, “Two years ago, after COVID, ipinatawag po ako ni Senator Bong Go at ipinatawag din po ako ng mahal na Pangulo.

“At ako po ay kinausap nila sa Malacañang. Yun po ang pagkakataon na pinatatakbo niya ako na senador.

"And during that time, meron po akong programa sa GMA-7, yung Wowowin.

“Sabi ko, ‘Mahal na Pangulo, meron pa po akong kontrata at hindi ko pa ho kaya. Kapag handa na po ako, mag-iisip ako.”

Sinundan niya ito ng kumpirmasyon ng pagnanais makapaglingkod sa bayan at sa mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Palagay ko, handa na ako.

"Handa ho akong gumawa ng kabutihan.

"Handa akong magsilbi, hindi lang sa bayan.

"Handa akong magsilbi sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.”

Itinaas ni Duterte ang kamay ni Willie sa harap ng mga dumalo sa prayer rally na malakas na pahiwatig na suportado niya ang senatorial bid ng Wowowin host.

“Bigyan ng jacket ‘yan!” ang isa sa mga pamosong linya ni Willie sa programa nito, at muling nasilayan ng publiko ang pamimigay niya ng jacket dahil mismong si Duterte ang kanyang binigyan sa ginanap na rally.

Hindi lamang ang pahayag ni Willie sa Hakbang ng Maisug (Matapang sa Tagalog) ang maingay.

Kontrobersiyal din ang mga salitang pinakawalan ni Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa isinusulong ng administrasyon nitong People’s Initiative.

Kinondena ni Duterte ang ginagawa ng administrasyon na baguhin ang 1987 Constitution dahil sa diumano’y panghihimok sa taumbayan na pumirma para maipatupad ang People’s Initiative na may kapalit na pera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng pahayag ni Duterte: “People’s Initiative does not involve buying the vote or the signature of the Filipino.

“Ang nangyari ngayon, hindi yan People’s Initiative kung hindi buying their people for their signature.

"Mag-uumpisa pa lang, bayaran na. Maniwala ka na ang Constitution lalabas yan maganda kung pera-perahin lang tayo?

“The real purpose nitong Constitutional changes sa People’s Initiative is really to perpetuate those who are in power."

Babala pa ni Duterte kay Marcos, “Kapag ipinilit mo ito [People’s Initiative], lalabas ka ng Malacañang kagaya nung panahon na pinalayas kayo.”

Ang tinutukoy ng dating Pangulo ay ang EDSA Revolution na naganap noong Pebrero 1986, kung saan napatalsik sa kapangyarihan ang pamilya Marcos pagkatapos ng 20 taon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame attends the prayer rally Hakbang ng Maisug, led by former President Rodrigo Duterte, in Davao City on January 2, 2024.
PHOTO/S: Rody Duterte Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results