PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax sexy actor Ali Asistio napagkamalang teenager sa Europe

Ali Asistio gusto ring makatawid sa mainstream movies.
by Jojo Gabinete
Published Feb 3, 2024
ali asistio europe
Ali Asistio on his experience travelling to Europe: "Wala naman po nakakilala sa akin pero medyo malakas po yung dating ko sa mga bata dun. Normal po kasi sa kanila na makakita ng mga naglalakad na artista at model."
PHOTO/S: @aliasistio on Instagram

Napagkamalang teenager ang sexy actor na si Ali Asistio nang magbakasyon ito sa Europe kaya maraming beses na hinanapan siya ng identification card para makapasok sa mga establishment na pinuntahan nila ng kanyang mga pinsan.

Pati sa pagbili ng wine sa mga supermarket at pagpasok sa mga bar, hiningi ang ID ni Ali.

Ito ang kanyang ikinuwento sa Cabinet Files nang bumalik siya sa Pilipinas noong Miyerkules, Enero 31, 2024, matapos ang mahigit dalawang linggong pamamalagi sa Europe dahil binisita rin niya ang mga kamag-anak.

Read: Ali Asistio, nagkaroon ng indecent proposals nang magpaseksi sa Vivamax projects

“Napagkakamalan po akong teenager sa mga lugar na pinuntahan namin, like sa mga restaurant, bar, at kapag bibili kami ng wine sa supermarket.

“Ako lang sa mga magpipinsan ang hinahanapan ng ID,” lahad ni Ali tungkol sa mga karanasan nito.

Bago ito kay Ali dahil 27 years old na siya at mapapangahas ang mga eksena na ginagawa sa mga pelikula ng Vivamax na pinagbidahan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinatuwa rin ni Ali na malakas ang "dating" niya sa European teenagers na kanyang nakasalamuha at sanay na makakita ng mga model kaya napagkamalan din siyang modelo.

“Wala naman po nakakilala sa akin pero medyo malakas po yung dating ko sa mga bata dun. Normal po kasi sa kanila na makakita ng mga naglalakad na artista at model."

View this post on Instagram

A post shared by Ali Asistio (@aliasistio)

Hindi nakasipot si Ali sa press conference ng Pantasya ni Tami dahil sa European trip niya.

Ang Pantasya ni Tami ang ikawalong proyekto ni Ali sa Vivamax mula nang magpasya siyang magpaseksi sa pelikula para matupad ang pangarap niyang makapasok sa showbiz.

Tungkol sa mga personal na buhay ng mga cosplayer ang kuwento ng Pantasya ni Tami, at tanggap ni Ali na may posibilidad na ma-offend ang mga tunay na cosplayer sa mga eksena ng pelikula na pinangungunahan nila ni Azi Acosta.

Saad niya, “Maaari pong may ma-offend at puwedeng hindi pero nirerespeto ko ang opinyon ng ibang mga tao dahil yon ang importante, ang irespeto natin ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, yung love scenes namin ni Azi, more of passionate love scene siya, so mas intimate ang mga eksena namin."

Nangangarap si Ali na mabigyan ng pagkakataong magbida sa mainstream movies dahil stepping stone lamang niya ang paghuhubad para matupad ang kanyang pangarap maging aktor.

“Isa po ako sa mga nangangarap makatawid sa mainstream movie dahil ito po talaga ang dream at main goal ko.

"At the same time, gusto ko talagang maipakita sa mas maraming manonood ang talent ko sa acting.

“Satisfied naman po ako sa work ko, pero siyempre, there’s always a room for improvement.

"Mas naglu-look forward ako na mas gumaling pa sa acting," pahayag niya.

Postscript: Naging tradisyon na ni Ali a magpakuha ng litrato na underwear lamang ang suot habang nagyeyelo ang paligid na kanyang unang sinubukan nang pumunta siya sa Japan noong Marso 2023.

ali asistio japan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Muling ginawa ni Ali ang kanyang customary winter underwear photo shoot nang magbakasyon siya sa Europe noong nakaraang buwan.

ali asistio europe

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ali Asistio on his experience travelling to Europe: "Wala naman po nakakilala sa akin pero medyo malakas po yung dating ko sa mga bata dun. Normal po kasi sa kanila na makakita ng mga naglalakad na artista at model."
PHOTO/S: @aliasistio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results