PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryzza Mae Dizon to Aga Muhlach: Pick Me as Daughter-in-Law.

Ryzza Mae, hindi itinatago ang crush sa anak ni Aga na si Andres Muhlach.
by Jojo Gabinete
Published Feb 4, 2024
aga muhlach eat bulaga
Aga Muhlach (second from right) joins daughter Atasha Muhlach (extreme left) and her Eat Bulaga! co-hosts Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon, and Ryzza Mae Dizon (front row).
PHOTO/S: Viva Artists Agency

Taos-pusong nagpasalamat si Aga Muhlach sa mga host at production staff ng Eat Bulaga! dahil sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Atasha Muhlach, isa sa mga co-host ng noontime variety show ng TV5.

Read: Atasha Muhlach, positive reviews sa televiewers sa unang araw niya bilang E.A.T. Dabarkads

Personal na sinabi ni Aga ang pasasalamat nang bumisita ang aktor sa Eat Bulaga! noong Sabado, Pebrero 3, 2024, dahil nag-promote siya ng Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko, ang pelikula nila ni Julia Barretto na ipalalabas sa nationwide cinemas simula sa Pebrero 7, 2024.

“Meron lang akong gustong sabihin kasi first time ko na makakasama, gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat dito for taking care of my one and only daughter na talagang sobra niyang mahal na mahal kayong lahat.

"Kinakabahan parati yan pero excited yan to come here every day,” sabi ni Aga.

Sagot naman ni Vic Sotto, “Huwag kang mag-alala, we will take care of your daughters.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa ang marami sa pahayag ni Vic dahil hindi inililihim ni Ryzza Mae Dizon na crush nito si Andres Muhlach, ang anak na lalake ni Aga at twin brother ni Atasha.

“Akala ko nawalan ako ng isang anak na babae, nadagdagan pa pala!” natatawang reaksiyon ni Aga sa panunukso ni Vic kay Ryzza Mae.

Lalong kinilig si Ryzza Mae nang sabihin ng ama ni Andres, “Si Andres, medyo minsan napapanaginipan ka na. Sana maimbitahan ninyo si Andres para magkita naman sila ni Ryzza.”

Nang maglaro si Aga sa segment ng "Peraphy," hindi na nagpatumpik-tumpik si Ryzza na buong tapang na nagsabing "magmahal" lamang ang kanyang talent.

aga muhlach eat bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aga with Eat Bulaga! girl (from left) Maine Mendoza, Miles Ocampo, Carren Eistrup, Ryzza Mae Dizon, and Atasha Muhlach

Sabi ni Ryzza kay Aga, “Hi Dad! Nice to meet you, Dad. Please pick me po. Dad, please pick me po, ha?”

Paalala naman ni Vic, “Ryzza, hindi puwede ang pick me. Dapat siya ang mamimili. Hindi puwede yung nagbibigay ka ng clue, pick me,”

Prangkang sabi ng dating child actress, "Hindi po, Bossing, hindi po dito. Please pick me as your daughter in-law. Malapit na Valentine’s!”

Ang lantarang pagpapahayag ni Ryzza ng pagkagiliw kay Andres ang isa sa mga nagbibigay-kasiyahan sa manonood ng Eat Bulaga! kaya aliw na aliw sila sa palitan ng salita nina Aga, Vic, at ng dating Little Miss Philippines winner.

Ang pagtapak ni Aga sa studio ng Eat Bulaga! sa TV5 ang katuparan ng kanyang pahayag noon sa media conference ng Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko na looking forward siya sa guesting niya sa workplace ni Atasha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Andres Muhlach pumasok na rin sa showbiz; Muhlach family bibida sa TV5 sitcom

Para sa kaalaman ng mga kabataan ngayon, ang ina ni Atasha na si Charlene Gonzales ang unang nakatrabaho ni Vic sa telebisyon.

Nangyari ito noong 1997 sa sitcom na 1 For 3 ng GMA-7.

Nagpaalam si Charlene sa 1 For 3 nang lumipat siya sa ABS-CBN.

Naging mainstay ng Oki Doki Doc at dito nag-umpisa ang relasyon nila ni Aga na humantong sa kasalan sa isang simbahan sa Baguio City.

Read: Aga Muhlach says marrying Charlene Gonzales was "the best decision I ever did"

At dahil kilig na kilig si Ryzza Mae kay Andres, baka lalong madagdagan ang nararamdaman na kilig ng former child actress kapag nalaman nitong Charlene Mae ang tunay na pangalan ng ina ng lalakeng itinatangi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach (second from right) joins daughter Atasha Muhlach (extreme left) and her Eat Bulaga! co-hosts Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon, and Ryzza Mae Dizon (front row).
PHOTO/S: Viva Artists Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results