PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MJ Lastimosa Discusses Miss Universe Ineligibility

MJ Lastimosa, hindi raw kakayanin ang mga pasabog sa beauty pageants ngayon.
by Jojo Gabinete
Published Feb 12, 2024
mj lastimosa miss universe philippines
MJ Lastimosa on joining beauty pageants: “Hindi siya basta-basta. Ang gastos, talagang butas bulsa, lalo na ngayon. Ang daming pasabog. Ang sabi ko nga, parang hindi ko kaya ang pageantry ngayon, dapat isang milyong photo shoots. Kailangan lagi kang updated at may pasabog sa fans mo.”
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Instagram

Marami ang nagsasabing higit na maganda at buo ngayon ang kumpiyansa sa sarili ni MJ Lastimosa kung ikukumpara nang sumali siya sa Binibining Pilipinas 2014.

Dahil dito, may mga naghihikayat sa kanyng muling subukan ang kapalaran sa Miss Universe Philippines dahil may tsansa siya na muling manalo.

Inalis na ang age requirement sa Miss Universe at sa edad na 36, puwedeng-puwedeng sumali si MJ sa Miss Universe Philippines, tulad ng ginawa ng kanyang Binibining Pilipinas 2014 batchmate na si Kris Tiffany Janson.

Read: Pageant veterans Kris Tiffany Janson at Christi Lynn McGarry, sasabak sa Miss Universe Philippines 2024

Pero may hadlang, at ito ang ipinaliwanag ni MJ.

Saad niya, “Ang pinakapag-asa ko for now when it comes to age limit, Miss Universe. But then again, sa Miss Universe kasi wala nang repeat.

"Ako pa ba, three times akong nag-repeat?

"Kasi kapag nanalo ka sa Miss Universe Philippines, it’s the same organization na lalaban sa Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I heard kahit ibang bansa ang nire-represent mo, kapag naka-compete ka na sa Miss Universe, wala na talagang chance."

Read: MJ Lastimosa sa Top 10 finish ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023: "From 84 candidates, grabe na rin yon."

Nanalo si MJ sa Binibining Pilipinas 2014 bilang kinatawan ng ating bansa sa 63rd Miss Universe.

Ang Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) at hindi pa ang Miss Universe Philippines Organization (MUPO) ang may hawak noon sa Miss Universe franchise

Mga kaibigan ni MJ ang ilan sa mga kalahok sa Miss Universe Philippines 2024, pero ang kandidatura ni Kris Tiffany ang kanyang susuportahan dahil naging magkaibigan sila nang sumali sa Binibining Pilipinas 2014.

Lahad ni MJ, “Actually, may ka-batch ako, si Kris Tiffany Janson, she won Bb. Pilipinas-Intercontinental.

"And I’m really happy for her kasi sa Binibining Pilipinas, ang daming crown.

“Kaya sabi ko sa kanila, magbardagulan sila hangga’t gusto nila. Kasi this year is going to be a bloodbath, sabi nila, and it’s good for our country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meaning, hasang-hasa na ang mananalo kasi paghihirapan nila ang kanilang korona."

Read: Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisil ends friendship with MJ Lastimosa: “Don't come to Miss Grand anymore.”

May sagot si MJ sa tanong kung nararapat bang ibigay sa mga karapat-dapat pero baguhang kandidata ang korona ng Miss Universe Philippines 2024 para mabigyan sila ng pagkakataon.

Aniya, “Medyo mahirap to say that since ako I tried it three times.

"So, parang at the time na sumali ako for the second and third time, may mga nagsasabi na, ‘Ano ba yan, sali nang sali? Gusto namin fresh!’

“Ang pangarap mo kasi, pangarap mo. Mahirap sabihin na huwag ka na. Iba naman.

“But hindi mo naman masasabi yung time. What if ito na yung perfect time?

“For me, talagang may the best Miss Universe Philippines candidate win.

"Ang mga Pilipino naman, kung sino yung ipapadala natin sa international stage, we will support them.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: MJ Lastimosa replies to basher's "retokada" comment: "Yes, I can afford."

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang successor ni MJ sa Miss Universe Philippines title noong 2015.

Nang sabihing idol siya ni Pia na tatlong beses din na sumali, “Naging inspiration lang,” pagtutuwid ni MJ.

Dagdag pa niya, “Naging inspiration lang kasi nung nanalo ako, she was a finalist.

"And then she said she will join again, which is I was very, very proud and happy for my co-candidates that year who got inspired and didn’t get scared to experience again the whole journey.

“Hindi siya basta-basta. Ang gastos, talagang butas bulsa, lalo na ngayon. Ang daming pasabog.

“Ang sabi ko nga, parang hindi ko kaya ang pageantry ngayon, dapat isang milyong photo shoots. Kailangan lagi kang updated at may pasabog sa fans mo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MJ Lastimosa on joining beauty pageants: “Hindi siya basta-basta. Ang gastos, talagang butas bulsa, lalo na ngayon. Ang daming pasabog. Ang sabi ko nga, parang hindi ko kaya ang pageantry ngayon, dapat isang milyong photo shoots. Kailangan lagi kang updated at may pasabog sa fans mo.”
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results